HPM 6

3.8K 78 4
                                    

Dahil wala akong trabaho ngayong araw at wala ring pasok ang mga kapatid ko ay wala kaming ginawa ngayong araw kung hindi ang maglinis at maayos sa bahay.

Tanghali na ngayon at kanina pa kami nakapag luto ng pananghalian, hinihintay nalang namin ang tamang oras upang kumain.

Napaaga rin kasi ang pagluluto ko.

"Ate! May naghahanap sayo!"

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko sa upuan na mahaba kasama ang dalawa kong kapatid. Umalis lang sandali si Madeo dahil may kailangan daw ang ka-klase niya dito nung magkasalubugan kanina dahil inutusan ko itong bumili ng tatlong itlog upang gawing ulam namin ngayong tanghali.

Naglakad ako patungo sa harapan dahil nasa bakuran kami na maliit.

Nakita ko sa hindi kalayuan si Madeo na may kasamang babae na hindi katandaan. Hindi pamilyar sa akin ang babae.

Nagtataka man ay naglakad ako patungo sa kung nasaan ang kapatid ko at yung babae.

"Ikaw ba iyong sinasabi sa akin ng kapatid ko?"Tanong agad nung babae.

Nakita kong pinasadahan nito ng tingin ang aking katawan.

"Yung nagtitinda po?"Magalang na tanong ko sa babae.

"Ayun nga, ikaw nga iyon."Bumalik ang mga mata nito sa aking mukha at tila kinilatis ako."Ngayon ang kailangan dahil sa susunod ay hindi na kami makakapunta dito, minadali lang namin ang pagpunta dito dahil may mga kailangan din kaming gawin, nag text lang sa akin ang kapatid ko."

Tumingin sa akin ang kapatid ko na tila naguguluhan, ngunit ako ay hindi makapaniwala.

"N-ngayon p-po?"hindi makapaniwalang tanong ko.

Nakita kong ngumuwi ang babaeng hindi katandaan, sa tingin ko naman ay hindi masungit ang kausap ko.

"Oo, stay in ang trabaho mo dahil bulag nga si Sir Zy. Kailangan nito ng laging naka-antabay, nasa paligid, at mata nito sa bahay."

Hindi ako nakapag salita. Bakit parang ang bilis? Bakit ngayon agad? At isa pa bakit stay in?

"Libre ang pagkain at may sarili kang kuwarto sa bahay, hindi ko muna sasabihin sayo ang suweldo dahil si Sir ang nagpapasuweldo sa amin."

Napatingin ako kay Madeo nung magsalita ito.

"Okay lang ate, ako na ang bahala kila Sparios at Pilofie, makikiusap nalang ako sa mga teacher ko kung pwedeng ilipat ako sa panghapon na pasok."

"P-pero ako dapat yung nag-babantay sa inyo..."

"Ate, sige na. Diba gusto mong ipaghanda sila Sparios at Pilofie? Kaya eto na yun."Ngumiti ang kapatid ko sa akin, kita ko sa mga mata nito ang pagpayag at pagpapakatatag.

"Huwag kang mag-alala Ija, makakapag padala ka naman tuwing buwan ng pera at ayan ang nasisiguro ko."

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango sa babae, sana naman maging maayos ang mga kapatid ko dito.

"Lakad na ate, kunin mo na yung mga damit mo,"Tumawa ang kapatid ko ng mahina ngunit nakita ko ang kislap sa mga mata nito.

"S-sige."Tumalikod ako sa dalawa bago ako nagmamadaling nagtungo sa bahay namin na maliit.

Tumingin sa akin sila Sparios at Pilofie na nagtataka man ay mas pinilit ng dalawa na hindi magsalita.

Pumasok ako sa loob, kinuha ko ang bag na lumang luma ng mabuksan ko iyon ay may nakita pa akong ipis na lumabas doon.

Wala naman akong malalagyan ng mga damit bukod sa bag na iyon.

"Ate saan ka po pupunta?"

Napatigil ako sa paglalagay ng mga damit sa bag na kulay itim at lumingon kay Pilofie.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon