Dahil mukhang nagsasabi naman ito ng totoo ay napagpasyahan ko na nang umalis sa papamahay nito dahil hindi ko kakayanin kung magtatagal ako dito.
Tatalikod na sana ako at hahakbang na palabas ngunit hinawakan nito Don Montividad ang aking kamay.
"Huwag mo akong hawakan. Ayokong humawak yang mga wala mong kwentang kamay sa akin."Mabilis kong pinalis ang kamay nito sa aking palapulsuhan ko.
"Tutulungan kita maghanap sa mga kapatid mo..."
"Ngayon magbabait baitan ka sa'kin? Hindi ko kailangan ng tulong mo."Walang emosyon akong tumitig dito. Bago ko napag pasyahan na tuluyan ng umalis sa bahay nito.
"A-ate, saan natin hahanapin si Sparios at Pilofie?"Naiiyak na tanong sa akin ni Madeo.
"N-nasaan si Tatay?"Utal na tanong ko dito.
Tumungo ito bago naunang maglakad kaya sinundan ko lang. Malayo ang inilakad namin hanggang sa makarating kami sa likod ng bahay namin kung saan meron doon na isang batang babae na nakaupo at umiiyak.
"P-pilofie?"Sabay naming sambit ni Madeo.
Unti-unting lumingon sa amin ang batang babae na si Pilofie nga!
"Pilofie!"Masaya akong mabilis na humakbang dito at niyakap ng mahigpit."kung saan saan ka namin hinanap, nanadidito ka lang pala!"Tumingin ako sa paligid."Nasaan si kuya Sparios mo?"Tanong ko dito habang inaalis ang mga buhok nito sa mukha nito na nakasabog.
Wala itong imik at sobrang tahimik.
"Bunso nandidito na si a-ate."Gumaralgal ang aking boses.
"Wala akong ate. Wala akong kapatid na babae. Ako lang ang anak na babae ni Tatay."
Libo libong punyal ang tumusok sa aking dibdib dahil sa malamig nitong sinabi.
"A-ano bang pinagsasabi m-mo Pilofie? A-ako 'to yung a-ate mo..."
"Wala nga sabi akong ate!"Malakas ako nitong itinulak dahilan para mapaupo ako sa damuhan.
Tumingin ako kay Madeo na madilim din ang mukha na nakatingin sa akin.
"M-madeo, sabihin mo naman kay Pilofie na ako 'to oh, yung... ate n'yo."Humikbi kong sambit dito. Ngunit hindi ako nito pinakingan. Hinawakan nito ang kamay ni Pilofie.
"Matagal na kaming naghihirap dahil sa Ama mo, ngayon ko lang nalaman na hindi ka pala namin Kapatid kaya may rason na kami para sumama sa mga kamag-anak ni Tatay na matagal na kaming kinukuha."
"Ano bang sinasabi mo Madeo?! Ano naman kung hindi ko tatay ang tatay mo?! Kapatid ko parin kayo! Pamilya ko."Humikbi ako."P-pamilya ko parin kayo!"Hinayaan kong lamunin ng luha ko ang mga mata ko."Pamilya ko kayo, mahal na mahal ko kayo."Lumuhod ako sa harapan ng dalawa kong kapatid."Please, kung ano man yung nagawa ko sa inyo. Please patawarin n'yo na si a-ate."Pagmamakaawa ko sa dalawa.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit sa amin na mawalan ng Ama! Kung paano namin masaksihan ang huling hininga ni tatay! Wala kaming perang para sa kabaong at sa iba pa."Humakbang patungo sa isang lugar si Madeo."Hindi mo alam kung paano namin inilibing si tatay ng hindi nadadasalan at idinaan sa simbahan."
Hirap man ay nagpunta ako kung saan ito nagpunta. Doon ay bumuhos ang lahat ng luha sa aking mga mata. Bumuhos sa akin ang lahat ng sakit. Napaluhod ako at niyakap ang krus na gawa sa kahoy.
Sobrang sakit na nang aking dibdib. Sobra sobra na ang sakit sa akin. Sobra na ang iniyak ko, sobra na ang ibinibigay sa akin.
"Sasama na kami kila Tito Mandy, sila tita na ang magpapatuloy sa amin sa pag-aaral. Si tita na ang gagastos sa aming magkakapatid."
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...