"P-po?"hindi ako makapaniwala sa sinabi ng matandang babae kaya napatanong ulit ako.
Ngumiti sa akin ang hindi katandaan na babae."May trabaho kasi na sinabisa akin ng isa kong kamag-anak, babae raw ang kailangan wala naman gustong magtangka,"nauwi sa mapait ang ngiti ng babae,"Mag-aalaga ka lang ng isang may kapansanan, yung mga tao kasing sinusubukan kong kuhanin ay ayaw, baka daw mahawa sa sakit ng aalagaan nila, hindi sinabi ng kamag-anak ko kung ano ang mga impormasyon pero willing kaba Ija?"
"Opo! Sa katunayan po niyan ay maghahanap po ako ngayon ng trabaho,"Mabilis ang pagsagot ko, sayang din ang oportunidad kung hindi ko tanggapin ang alok sa akin.
"Sige Ija, bumalik ka dito sa makalawa at ibabalita ko kung pwede pa,"
Tumango ako at ngumiti bago nagpaalam, tumawid ako sa kalsada at agad na pinuntahan ang aking dalawang kapatid na nag-aabang sa labas ng gate nang school, may mga batang pinagtatawanan ang mga kapatid ko ngunit hindi nalang binibigyan ng dalawa nang atensyon ang mga kapwa ka eskuwela nito.
"Heto na ang mga kailangan n'yong dalawa,"Ibinigay ko kay Sparios ang whiteboard at ang band paper naman na apat na piraso ay kay Pilofie.
"Ate, mag-iingat ka po sa pag-uwi mo ah?"
Tumango ako kay Pilofie at hinalikan ito sa ulo. Ginulo ko naman ang buhok ni Sparios.
Nang tuluyan ng makapasok ang dalawa ako naman ay nagsimula ng maglakad. Tumingin ako sa high school kung saan katabi lang ang elementary, maraming mga estudyante ang nasa labas pa ng school ang iba ay nagtatago sa eskinita upang manigarilyo.
Ganito ang buhay dito sa lugar na ito, kahit na ang mga kabataan ngayon ay naninigarilyo na, ni hindi nila alam ang magiging resulta kapag nagkasakit sila.
Hindi ko nakita si Madeo sa labas dahil tiwala akong hindi naman ito gano'ng bata.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maka salubong ko ang Montividad, naglalakad ang dalawang magkapatid na mukhang hindi inihatid ng sasakyan.
"Oh? What the poor rat doin' here?"
Hindi ko pinansin ang sinabi ng nag-iisang babae na anak ng mga Montividad sa akin, Kapag ginantihan mo ang mga ito ay maslalo lang lalala ang sinabi nito.
Lalagpasan kona sana ang dalawa ngunit hindi ko nagawa.
"Look, you are now snobbing me?"Tumawa si Kylie sa sinabi nito.
Itinungo ko ang aking ulo dahil sa sinabi nito, ramdam ko na ang mga mata ng bawat isa ay nasa amin na ngayon, at bukod sa hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa school ay malang sa malang nasa amin nga ang lahat ng atensyon ng mga estudyante.
"How's life of being poor rat?"
Hindi ako nagsalita.
"C'mon, Kylie. We need to hurry."
Ramdam na ramdam ko ang pang-iinsulto sa bawat salitang sinasabi ni Kylie sa akin. Naramdaman kong naglakad na ang dalawa kaya agad kong inangat ang aking ulo at tama nga ako, nasa amin ang mga mata.
Nahihiya man ay binilisan ko ang aking paglalakad upang mabilis na maka rating sa bahay.
Ganun nga ang nangyari, Mabilis akong nakarating sa bahay, kung saan ko iniwan si Tatay ay nandodoon parin ito ngayon.
Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang kamay bago iyon dinala sa aking labi.
"Tay, alam mo po ba, may babaeng nagtanong po sa akin kung gusto ko daw po ng trabaho,"Pagkwento ko sa nangyari ngayong umaga."Sayang po yung oportunidad kaya tinggap ko po agad kasi sayang,"Pagpapatuloy ko,"Hindi ko po alam kung saan iyon pero nasisiguro po na makakakain na tayo ng tatlong beses sa isang-araw."Wala sa sariling ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...