Bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Alkez at nagkasalubong ang mga mata namin ni Albert na may hilaw na ngiti sa labi."Sa unahan kana umupo."Sambit nito sa akin.
Tumango naman ako, hindi na ako nagdalawang isip na bumaba bagkus ay lumipat nalang ako. Keysa sa bumaba pa ay masmaganda ng dito nalang ako dumaan.
"Paano ba 'yan?! Maiwan na namin kayo, goodluck!"
Bumaling ako sa likuran, inalalayan ni Albert yung magandang babae na parang diwata ang mukha ganun nadin ang kutis.
Umiwas ako ng tingin nang maayos na ang lagay nung mga nasa likuran. Nakatingin lang ako sa harapan at dahil parang may kumurot sa akin.
"You are mad at me! So why are fetching me?! Magalit ka lang! Ganun kana man 'di ba?!"
Hindi sinasadyang bumaling ako sa mga ito ngunit hindi sinasadyang magkatinginan kami ni Albert dahil pumasok na ito sa loob ng sasakyan at umupo sa driverseat.
"Shut up! First of all you chose what you want!"
Pareho kaming na gulat ni Albert dahil sa sigaw na iyon. Parehas din kaming napatingin sa dalawang nasa likuran. Mahinang tumawa ang katabi nitong babae na maganda.
Parang kulog ang boses nito. Ang mga mata nitong malamig ay nakapikit na mariin na para bang pinapakalma ang sarili matapos sabihin iyon.
Naramdaman ko nalang na gumalaw ang sasakyan na kinalalagyan namin Dahilan para sa harapan na ulit ako tumingin.
Hindi nalang siguro ako makikinig pwede naman yun diba?
"I did that because of you! You always dis downed your fucking self!"
Pero mukhang hindi ko yata mapipigilan ang aking tenga na makinig bukod sa nasa iisang sasakyan lang kami.
"You know what. Stop bringing up the past."
"You're scared just say it,"
Pasimple akong tumingin ulit sa likuran at nakita kong tahimik na ang dalawa. Hindi ko alam kung totoong tahimik nga ito kasi baka mamaya ay may round 2 or 3 pa ito.
Ganun kasi sila Mama at Tatay kahit na minsan lang nag-aaway ay may round 2 naman.
"Yes I am, that's why I let you go instead of holding you tight."Narining kong sambit ni Alkez bago mahinang tumawa.
Sabi na nga ba e, round 2 'to.
"Mas ginusto mong sa iba ako sumaya keysa sayo, mas gusto mong nararamdaman na masaya ako kahit hindi. Rejection is the most painful to me Zed."
Sakit naman non.
Umiwas ako ng tingin. Hindi nalang siguro ulit ako titingin sa likod. May bahagi din sa akin na sumasakit at parang gusto ko nalang mag teleport upang mawala dito.
Sabi ko hindi na ako ulit titingin ngunit nung marinig kong humikbi ang babae ay napabaling ako.
Kumirot lang ang dibdib ko ng makita ang lagay nang dalawa sa likuran. Inapatahan na ngayon ni Alkez ang babaeng ang ulo ay nasa dibdib nito.
Ngumuso ako at umiwas ulit ng tingin. Gabi na at traffic pa kaya hanggang ngayon ay nandidito parin kami sa daan.
"Tahimik mo yata ngayon?"
Bumaling ako kay Albert. Nakatingin ito sa akin habang hindi umuusad ang sasakyan. Ngumiti ako dito at umiling.
"May inaalala lang ako."Nakangiting sambit ko dito.
Inaalala? Anong inaalala ko? May nararamdaman lang akong hindi maganda kaya ayun nalang ang sinabi ko.
Nang lumuwag ang traffic ay pinaandar na nito ang sasakyan ngunit nagtanong ulit ito sa akin.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...