Lumapit ako sa dalawa, pinipilit kong iwasan ang tingin ni Alkez dahil puno ng pagsusumamo ang mga mata nito.
"Baby, kinakausap ka ng matino."Usal ko kay Zeiven nung nakalapit ako dito.
Inayos ko ang kumot dito dahil lumalagpas na ang paa nito sa kumot.
Wala akong narinig na salita dito kaya hindi na rin ako nagsalita. Umupo sa ulunan nito at pinagawa kong unan ang hita ko dito.
Bumaling ako kay Alkez na hanggang ngayon ay nakatayo parin habang nakatingin kay Zeiven na nakayapos sa aking beywang habang natutulog.
Nung makita nitong nakatingin ako dito ay umiwas ito ng tingin.
Iniiwas ko ang tingin ko dito at binigay lahat ng atensyon kay Zeiven. Sinuklay suklay ko ang buhok nito.
Ngunit hindi ko alam na sa pagpikit ko ay makakatulog pala ako ng mahimbing. Nagising lang ang diwa kong ng may bahagyang lumilikot sa aking hita.
Iminulat ko ang aking mga mata ngunit ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Alkez na nasa hita ko na at tila hindi comfortable sa hinihigaan nito.
Hindi ko sinasadyang mapatayo ako bigla dahilan para mahulog ito sa sahig at dumaing.
"Fuck."Mahinang daing nito dahil sa ginawa ko.
"You o-okay P-papa?"
Tumingin ako sa hospital bed at doon ay nakita ko si Kylie at Asher habang nasa hita nito si Zeiven na siyang hindi nakatingin sa amin.
Mukhang maayos na ang lagay nito dahil mukhang bakikipag laro na ito sa kapatid.
Bumaling ako kay Alkez bago ako tumikhim.
"Sorry."Mahinang usal ko dito.
Inalis ko ang kumot na sa pagkakaalam ko ay nakay Zeiven kagabi ngunit ngayon ay nasa akin na.
Tumingin ako sa dalawang magkapatid na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa amin.
Si Kylie na halatang nahihiwagahan ngunit may kislap sa mga mata nito na nakatingin kay Alkez.
Umiwas ako ng tingin dito at napunta iyon kay Alkez na ngayon ay pipikit pikit ang mga matang tumingin sa akin bago ako nito tinaliman ng tingin.
Naglakad na ako patungo sa banyo upang maghilamos man lang. Nang matapos akong maghilamos at magmumog tsaka magsipilyo ay lumabas na ako ng banyo.
"I brought you breakfast."Sambit ni Asher sa akin na naka kunot parin ang noo hanggang ngayon.
Ngumuso ako ngunit hindi ito tinitignan. Nagtungo ako sa sinabi nitong pagkain. Nakita ko doon ang mga niluto siguro nitong mga pagkain.
Manghang tumingin ako kay Asher dahil sa dinala nito. Lahat kasi na iyon ay ang mga paborito namin ng kambal.
Habang hawak ang Tupperware ay naglakad ako patungo sa dalawang kambal na ngayon ay masayang nag-uusap.
Sabay na bumaling sa akin ang dalawa na may ngiti sa labi.
"Good morning Mama."Bati sa akin ni Zeiven bago ito umalis sa kinauupuan sa hita ni Asher agad naman akong umuklo upang maabot nito ang aking pisngi.
"Morning Baby,"Balik ko dito.
Hinawakan ko ang noo at leeg nito kung may lagnat pa at mukhang hindi naman tumuloy ang sakit nito.
"I am good na Mama."Bumalik na ulit ito sa pagkakakandong kay Asher na agad namang ginabayan nito.
Umuklo naman ako kay Zero upang bigyan din ito ng morning kiss sa noo.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...