Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil sa napag-usapan namin na iyon. Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit ko nasabi ang mga iyon pero hindi naman ako nagsisisi na ikwento ko dito kung sino at ano ba talagang meron sa aking katauhan.
"Just guide my hand."
"Paano ko igu-guide yung kamay mo kung nililikot mo 'di ba?!"Inis na sambit ko dito.
"I'm not doing anything!"tanggi nito.
Sa inis ko ay malakas kong pinitik ang daliri nito para magreklamo ito.
"Why did you do that! Kung ikaw kaya ang pitikin ko!"Inis na sambit din nito sa akin.
"Bakit Ayaw mong gawin, ano pitikan tayo."Panghahamon ko dito ngunit natawa rin sa huli ng mahina.
Para kaming bata na nag-aaway dahil lang sa pagpirma nito. Inutusan kasi ako nitong gabayan ang kamay sa pagpirma nung papeles na binasa namin nung nakaraang linggo.
Hinawakan ko ulit ang kamay nito at itinapat ang pinaka unahan sa pipirmahan nito.
"Eto oh,"Mas pinagdiinan ko pa ang bullpen na hawak nito.
Nakakailang sabi at punto dito ng bullpen pero ang isang ito ay mukhang pinagkakatuwaan ako. Kapag ang bullpen ay nasa panlang na at kapag aalisin ko na yung kamay ko para makapirma ito ay iniiba nito ng posisyon ang pointed bullpen.
Akala ko ay iibahin na naman nito ang bullpen pero hindi na pala. Buti nalang ay nakaramdam ang isang ito na naiinis na ako.
"Kamusta nga pala kayo nung babae?"Tanong ko dito ng matapos ang ginagawa namin.
"She's Skyriz by the way, and call her babae, 'cause she have named and her name is have a meaning to me."Wika nito, seryoso.
Napaawang ang labi ko doon ngunit agad ko namab itinikom at palihin na huminga ng malalim.
"Ganda nga,"Mahinang usal ko dito.
"We are okay now, I already talked to her this morning."
Tumingin ako dito. Wala sa sariling mapait akong napangiti dahil sa sinabi nito.
"Maganda 'yan."Kinuha ko ang mga papeles na nasa maliit na mesa.
Tanghali na akong nagising kanina dahil siguro anong oras na akong natulog. Narinig ko nalang na hinatid na pala ni Albert ang nagngangalang Skyriz kaninang umaga nung magising ito.
"This Saturday night you will come with me."Sambit nito sa katahimikan.
Nandidito kami ngayon sa leaving area, nahuhuli ko ang ibang mga katulong na tinitignan kami ng palihin bago ngingiwi o ngingisi.
Hindi ko alam kung anong trip ng mga iyon pero hindi ko nalang pinapansin lalo na si Annabelle na may bitbit na isang tray na puno ng miryenda. Hindi ko alam kung para kanino ang ganung karaming miryenda dahil sigurado akong hindi mauubos ni Alkez ang lahat ng iyon.
"Bakit?"Alam kong wala akong karapatan na magtanong pero lumabas sa bibig ko yun e.
Huminga ito ng malalim."Anniversary of my Company."
Hindi ako nakapag salita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung isasama ako nito ibig sabihin ay mae-encounter ko ang mga malalaking tao sa bansa?
Hindi ko man alam ang tungkol sa kumpanya nito pero alam kong malaki iyon at puro mayayaman.
Wala sa sariling napatingin ako sa istepin kong pansapin. Goma nga lang iyon e. Nang maalalang goma lang iyon ay napatingin ako kay Alkez na tahimik at parang dinadama ang hangin.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...