Nakaupo muna ako sa sofa samay kama nito habang hinintay itong makalabas mula sa banyo nito.
Nang makita kong bumukas ang pintuan doon ay mabilis akong umayos ng upo. Dahan dahan itong naglakad palabas.
Hindi ko na naman maiwasan ang hindi mamangha sa itsura talaga nitong lalaking ito. Napaisip tuloy ako kung may nagugustuhan ba ito kahit ganito ito o may girlfriend naba ito?
Inalis ko sa isip ko ang isipin na iyon dahil ramdam kong biglang sasama ang aking pakiramdam.
"S-sir—"
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na Zed?"Nag-igting ang panga nito ng masabi iyon.
Lumunok ako bago ko pinakalma ang aking damdamin.
"Z-zed, ano po ang kakainin mo?"Kinakabang tanong ko dito dahil naalala kong hindi pa nga pala kunakain ang isang ito at anong oras na.
Ang tuwalyang dala nito ay ipinatong nito sa ulo."Tinatamad pa akong kumain,"Gamit ang ipinatong nitong towel ay pinatuyo nito ang buhok na hindi kahabaan."si Nana na ang magdadala sa akin ng pagkain ko.
Tumango nalang ako kahit na hindi nito iyon nakikita.
"Get the proposal business, hindi ka pa tapos."
Gulat ang bumalot sa aking mukha ng sabihin ni Zed iyon. Napapikit pikit pa ako dahil baka iba ang narinig ko. Ang tibok ng aking puso ay parang nagkanda gulo-gulo na naman.
"P-pero..."
"What do you think? Annabelle read it on me? No. Ikaw ang personal maid ko, hindi ko basta basta na pinapabasa ang mga papeles sa katulong."
Hinanap ng aking mga mata kung nasaan ang envelope na kulay brown. Nakita ko iyon sa lamesang pabilog namay naka dagan na cellphone sa ibabaw nito.
"Get the papers,"
Pinagmamasdan ko lang ito hanggang sa makaupo ito sa kama nitong malambot at malaki.
Parang tuod na naglakad ako kung nasaan ang brown envelope, kinuha ko narin ang mamahalin nitong cellphone dahil baka mainitan iyon doon kahit na naman yata hindi inaabutan ng init ang balcony nito dahil sa malaking silong sa itaas.
Inilagay ko iyon sa may tabi ng isang maliit na ref nito na nasa loob bago ako naglakad patungo ulit sa sofang kina u-upuan ko kanina.
Inumpisahan ko na ulit na basahin ng mahina ngunit sa oras na ito ay hindi na ako nauutal na pinagtataka ko agad.
Siguro ay nasanay na agad ang sarili ko?
Hanggang sa ilang oras na nakalipas ay natapos kong basahin ang lahat ng pages doon, masaya akong tumingin dito ngunit nakita ko itong nakahiga na at mukhang natutulog yata?
Kumamot ako ng ulo dahil ginawa yata ako nitong storyteller.
"Siraulong 'to, mukha bang kwento yung mga binabasa ko para makatulog ito."Naisambit ko. Tumayo ako bago ko kinuha ang kumot at itinabon iyon dito.
Naglakad ako patungo sa salamin ng pintuan sa balcony nito, hinila ko ang malaking kurtina na nakasabit ng maayos sa dalawang haligi ng dingding.
Tumingin ako sa lalaking nasa kama na ngayon ay mahimbing na yatang natutulog dahil sa pagtaas baba ng dibdib nito.
Tama lang ang temperatura sa silid nito gawa ng aircon.
Ipapatong ko na sana ang envelope sa may tabi ng cellphone nito nang umilaw at tumunog iyon. Kunot noo man ay matagal kong pinagmasdan ang pangalan na nandodoon.
Ilang beses na akong nakakakita ng ganitong cellphone pero hindi ganitong kamahal at kaganda kahit simpleng kulay itim lang iyon.
Tumingin ako kay Zed. Naglakad ako patungo dito at wala sa sariling tinapik ang pisngi nito dahilan upang umungol ito.

BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...