HPM 38

3.5K 64 10
                                    


Ganun nga ang nangyari. Pagkaalis ng kambal ay agad din akong umalis upang mag hanap ng trabaho para sa amin.

Lumuwas ako ng Makati upang maghanap ng trabaho. Ilang oras na akong naghahanap kung saan ang opening for employees.

"Kuya,"Pagtawag ko ng pansin doon sa lalaking guard, agad naman itong tumingin sa akin na nakangiti."My hiring for job po ba ang kompanya na 'yan?"Nahihiyang tanong ko.

"Opo! Naghahanap po ng secretary ang kumpanya na ito."

Nanlaki ang aking mga mata at nagpasalamat kay kuya. Tinanong ko ito kung saan ba pwedeng mag-apply.

"Punta ka lang po doon sa babae,"Tinuro ni kuya guard yung babaeng nasa desk.

Tumango ako."Maraming salamat po kuya."Nakangiting pasasalamat ko.

Ngumiti din sa akin ang lalaki. Pumasok na ako sa loob at nagpunta doon sa babaeng nasa desk.

"Good morning Miss."Maligayang bati ko dito.

Tumingin ito sa akin. Pinagmasdan nito ang aking suot bago tumaas ang isang kilay.

"What is it?"Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin. Inilipat ulit nito ang mata sa computer.

"Mag a-apply sana ako bilang secretary, I just want to know if open pa yung hiring?"Tanong ko dito.

Natigilan ito sa sinabi ko."Yes. Open pa naman Ms,"Tumingin ito sa lalaking nakatayo mula sa elevator. Sandaling umalis ang babae at nagtungo doon sa lalaki.

Nakita ko kung paano tumingin sa akin ang lalaki bago tumango-tango.

"You can follow him Ms."Sambit sa akin nung babae ng makabalik ito.

Kabado man ay tumango ako. Nagtungo ako doon sa lalaki na may ngiti sa labi.

"Applying for secretary po Ma'am?"Tanong nito sa akin.

Pumasok ako sa elevator. Kahit pa-paano naman ay na o-overcome ko naman ang takot ko sa elevator pero kinakabahan parin ako.

"Y-yes,"Ipinikit ko ang aking mga mata. Minulat ko lang iyon ng marinig kong tumunog ang elevator kaya mabilis akong lumabas sa loob ng elevator.

"Mukhang takot ka po sa elevator Ma'am."

"Hehe, medyo."Damn. Nakakahiya talaga.

Tuwa itong tumango na para bang nasisiyahan ito sa sinabi ko o first time lang nito maka encounter ng may takot sa elevator.

"Halika po Ma'am let me guide you po,"Nauna itong naglakad sa akin, nagtungo ito sa isang kuwarto bago binuksan ang pintuan niyon."Dito po Ma'am, waiting area po ito for the employees."

Nagpasalamat ako dito. Pumasok ako sa kuwartong iyon. Maganda ang kuwartong ito. Malaki at maganda. Kita dito ang skyscraper. Sa ganitong oras ay kitang kita 'yon.

Naghintay ako doon ng mga kalahating oras hanggang sa may lumbas doon na babae. Bigo ang mukha nito na para bang hindi nakapasa sa interview.

May lumabas pa doon na isang babae. Tumingin ito sa paligid muna bago sa akin.

"You are the next Miss."

Kabado akong tumango at tumayo. Lumunok muna ako ng malala bago ako pumasok sa loob.

Nakita ko doon ang isang babaeng nakayuko na parang may binabasa sa cellphone nito.

"Ms. Madrid,"Pukaw ng babaeng personal secretary yata."She is the last one."

Pagkasabi n'on ng babae ay tumaas ang tingin ng babaeng naka upo sa swivel chair.

Nanlamig ang aking buong katawan ng makilala ko kung sino ang babaeng nakaupo doon.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon