HPM 44

3.8K 73 2
                                    

"Bakit hindi ka nalang magresign kung ganyan ang pinapakita mong magta-trabaho. This company need responsible secretary not like you na irresponsible. It's okay if you are absent in one day mapapalagpas ko pa 'yon pero yung ilang araw?!"

Bahagya akong napalundag dahil sa ginawa nitong paghampas ng malakas sa lamesa nito.

"Tapos sasabihin mo na nagkasakit ka lang?! Is that a fucking reasonable?!"Malakas na sigaw nito sa akin.

Nakatungo lang ako habang sinisigawan ako nito ng mga salita nito. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata nitong galit na galit.

I can't. May iba akong nakikita kapag nagagalit ito. Nakikita ko ang kambal sa bawat tingin nito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa kagustuhan na umuwi nalang at alagaan doon ang anak ko na si Asher at kylie na nag-aalaga ngayon.

Pumasok ako na galit na galit na ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ito ngunit wala na akong pake alam doon. All I care is to my twin right now.

Hindi ako sumagot sa mga ibinibigay nitong salita sa akin. Hindi ko din gustong tumagal pa ito.

"Tangina, bakit ba tumanggap ang kapatid ko na katulad mong no class ba nga at laki pa sa kalye."

Doon na ako deretsong tumingin dito. Nakapikit ito habang ang kamay ay nasa buhok. Halata dito ang pagpipigil na ilabas pa lalo ang galit nito.

"Para sabihin ko sayo kahit na lumaki ako sa mahirap na pamilya kaya kong rumespeto. Hindi kagaya mo."Hindi ko gusto ang sinabi nito sa akin. Hindi maganda lumalabas sa bibig ng lalaking ito.

Mahina itong tumawa na para bang isang nakakatawa ang sinabi ko dito. Bumaling ito sa akin gamit ang matalim na tingin at galit na pumupuno sa mga mata nito.

"Respect? How can I respect you? Even you are a girl I will not give you a fucking respect of mine."Madiin na sambit nito sa akin.

Ramdam ko ang bawat binibitawan nitong mga salita sa akin. Huminga ako ng malalim.

"Do your work in a professional way. Not that unprofessional way of yours."Pagkatapos nitong sabihin iyon ay pinaalis na ako nito sa loob ng opisina nito.

Kinina ko pa napapansin ang pamumula ng mga mata nito na hindi ko alam kung saan nanggaling iyon.

Bumalis ako sa aking lamesa. Marami ng mga documents na nasa ibabaw noon. Gabundok na iyon.

Hinawakan ko ang aking tenga at pinakalma ang aking sarili. Inayos ko ang mga papel. Inalis ko ang mga iyon sa lamesa at inilipat iyon sa sahig.

Kakaupo ko pang sa lamesa ay nakita ko ang isang babae na pumasok sa pintuan. Umiiyak ito.

Nagtataka talaga ako kung ano talaga ang nangyayari sa pagitan nitong dalawang ito ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng tuon.

Kinuha ko ang isang bundok na mga documents at inumpisahan ko na ang paggawa ng trabaho.

Habang inaayos ko ang mga papel ay biglang may kumatok at sumilip ang ulo doon ng isang lalaki.

"Good morning Caine."Nakakasilaw ang ngiti nitong bati sa akin.

Tipid akong ngumiti kay Alec. May dala itong folder, naglakad ito patungo sa aking lamesa bago ibinigay sa akin ang folder na hawak nito.

"Hinatid ko lang itong mga folders, this is the contract between this company and the MTVD company."

Hindi ko naman tinatanong kung ano iyon pero sinabi parin nito sa akin. Kinuha ko ang ibinigay nito sa akin.

"Kailangan na daw mapirmahan iyan ni Boss Madrid."

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon