Gamit ang sasakyan ng kumpanya na ngayon ko lang nalaman ay nagtungo kami sa kung saang bar na sinasabi ni Alec.
"Come on."Hinawakan ni Alec ang aking kamay upang makapasok na kami sa Bar.
Kinabahan agad ako dahil ito ang unang beses na makakapasok ako sa isang Bar na katulad nito. Hindi ito yung Bar na pinuntahan namin noon taon na ang nakakalipas.
Kinagat ko ang labi ko bago ko kinuha ang kamay nito at nagpatinaod sa kung saan ito pupunta.
May ibinigay na pass yung lalaki kay Alec at nagtanguhan pa bago pumasok. Pagpasok palang namin ang sumalubong agad ay ang isang napakalakas ng tugtog.
Napatakip ako sa aking ilong at hinayaan ang aking tenga na mawindang sa lakas ng musika sa loob. Hindi ko yata kakayanin ang usok ng sigarilyo dito sa loob.
"Let's find him!"Hindi gaanong kalakasan na sabi ni Alec. Tama lang para marinig ko.
Tumango at sumunod nalang ako dito. Dapat pala ay iniwan ko nalang ang folder sa sasakyan!
Bakit kasi ang aga mag-inom ng lalaki ng ito at ng mga tao dito! Anong oras palang pero bakit bukas na agad ang bar na ito? Hindi yata natutulog ang mga taong nandidito.
Kita ko ang mga babaeng nagsasayawan na tila mga lasing at gustong makawala sa problema kung meron man.
Hindi halata sa bar na ito kung anong oras na dahil sa dilim ng loob dito sa Bar. Meron sa akin na namamangha dahil sa lugar na ito. Kung sino man ang gumawa nito talagang negosyo talaga ang gusto.
"I found him!"
Tumingin tingin ako sa paligid kung saan ito nakatingin at nakita ko nga si Alkez na nakaupo sa isang sofa habang ang mga mata ay nakapikit. Kahit na nakapikit ang mga mata nito ay kita ko parin ang galit doon.
Ang isang kamay nito ay merong hawak na basong babasagin. Nasa pinaka dulo ito at ito lang mag-isa.
Kita kong may mga babaeng gustong magpunta sa tabi nito ngunit hindi tumutuloy at hanggang tingin nalang.
Tumingin sa akin si Alec bago ako sinenyasan na pumunta na doon.
"May hahanapin lang ako,"Sabi nito bago ako binitawan at tuluyan ng naglakad sa kung saan.
Nang mawala ito sa aking paningin ay dumeretso ang tingin ko sa lalaking naka loosen ang tali ng tie dito. Kita na rin dito ang suot nitong pag-ilalim mula sa long sleeve na suot. His jaw was so firm to him. Kita ko din ang katawan nitong bumabakat sa suot nito.
His hair is damp.
Huminga ako ng malalim bago ko napagpasyahan na lumakad patungo dito. Nang nasa harapan na ako nito ay doon ko naramdaman ang kaba sa aking katawan. Ang aking hita ay tila ba gustong manginginig.
Gustuhin ko man na pakalmahin ang aking sarili ngunit hindi ko magawa. Kasabay ng malalakas na beat ng tunog ay siya ding lakas ng tibok ng puso ko ng napaka lakas.
Tumikhin ako dito dahilan para umangat ang marahas nitong mga mata sa akin. Kumunot ang makakapal nitong kilay.
"What are you doing here?"Malamig na tanong nito sa akin.
Tumingin ito sa paligid bago inis na tumayo. Naglakad ito patungo sa akin ag mabilis na hinablot ng marahas ang aking braso.
Kinaladkad ako nito sa hindi ko alam na lugar. Ramdam ko sa kamay nito ang galit na pinipigilan. Masakit ang pagkakahawak nito sa aking braso na alam kong kapag inalis iyon ay may pulang makikita doon mamaya.
Marahas nito akong pinagarap sa kanya at galit akong tinignan.
"What the hell are you doing here?! You know to yourself na may hika ka naman diba?!"Inis na sigaw nito sa akin.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomansaAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...