HPM 7

3.8K 79 1
                                    


Napalunok ako ng nalala nung kunin ni aling Brenda ang aking kamay at dinala ako sa kung saan dito sa malaking bahay.

Dinala ako ni aling Brenda sa isang malaki at malawak na kusina, sobrang ganda at laki no'n, ang linis pa!

Tila nanliit ako sa kusiGpetna ng mga Madrid. Hindi ko alam kung gaano ba kayaman ang mga ito. Ngayon lang ako nakatungtong sa ganito kalaking mansion at ngayong araw lang din ako naka sakay sa sasakyan na maganda.

Nakita ko doon ang tatlong lalaki at isang babae na nag-uusap ng masinsinan. Kita ko sa dalawang lalaki ang katandaan ngunit sobrang guwapo parin at sa tikas ng katawan nito ay hindi mo mapagkakailang matanda na.

Dumapo ang aking tingin sa babaeng sobrang ganda at halata sa katawan nito ang karangyaan. Ang katawan nitong kasing puti ng gatas at ang mga makikinis na balat nito kahit na nasa malayong bahagi ako.

"Nandidito pala kayo! Hindi n'yo manlang sinabi na paparito kayong pamilya!"

Pamilya?

Tumingin sa amin ang ilang pares ng mata, ngumit ang isang lalaki ay tila walang pakealam sa paligid.

"How's your day Nanay Brenda?"tanong nung hindi katandaan na lalaki. Kita sa mga mata at mukha nito ang palakaibigan ngunit kapag tinitigan mo ito ay maangas ang dating nito.

"Walang pinagbago ganun parin Adriel,"usal ni aling Brenda.

Adriel pala ang pangalan noong isang lalaki, ang ganda ng pangalan nito halatang pang-mayaman.

"Nana you didn't bring alamang po? I have mangoes here! Well from the backyard,"

Bumaling ang tingin ko doon sa magandang babae na tila prinsesa iyon, hindi mali. Prinsesa nga siguro ito. Sobrang ganda nito, ang mga ngiti at mata nitong maganda tila wala itong kapintasan sa mukha o buong katawan.

"Ay! Ayun ang sinasabi ko!"

Tumingin ako kay aling Brenda dahil sa boses nito.

"You forgot the alamang Nana!? Wala na Zaire is sad na look!"

Napapikitpikit ako dahil sa sinabi nung babae, hindi ko alam kung bakit may sumilay na ngiti sa aking labi ngunit mabilis ko rin iyong iwinala. Ang salita nito ay hindi masakit sa tenga kung di nakakatawa pa ang tono noon.

"Ikaw naman Ija, hayaan mo at igagawa nalang kita,"Ngumiti si Aling Brenda doon sa babae na agad naman nagningning ang mga mata dahil sa sinabi ni aling Brenda.

Tumingin ang babae sa akin, nakita ko kung paano nag-iba ang reaksyon nito. Kinalibutan ako sa uri ng tingin nito na parang hinahalukay ang aking isip at pagkatao.

"If I'm not mistaken she is the personal maid?"Tinuro ako nito gamit ang daliri nitong maganda ang kulay sa kuko.

Dahil sa sinabi nito ay nahihiyang napatungo ako dahil bumaling sa akin ang kanilang atensyon.

"S'ya nga Ija, mula sa bayan namin."

Napaigtad ako ng hawakan ni aling Brenda ang aking beywang dahilan upang umangat ang aking tingin sa nasa lamesang bahaba.

"Ang pangalan niya ay Alista Caine Malana,"Pagpapakilala sa akin ni aling Brenda.

Hiya man ay ngumiti parin ako ng maliit, pinapangunahan ako ng kaba at hindi maintindihan na kabog.

"H-hello po..."Nahihiyang sambit ko.

Kita ko kung paano ako pagmasdan at titigan ng tatalo. Ang isang lalaking naka bahagi ang mukha sa kaliwa ay walang kibo lang na nakikinig.

"Why are you trembling? Don't be scared of use we don't bite, I'm only eat one."Malakas na tumawa ang si Mister Adriel dahil sa sinabi nito ngunit malakas itong napa-ubo ng sikuhin ng isang lalaking malamig at walang emosyon ang mukha ang dibdib nito,"Babe naman para nagbibiro lang ako,"

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon