HPM 30

3.8K 57 0
                                    

Hindi ko sinuot ang dress na binili sa boutique na 'yon, mas pinili kong suotin ang binili ko sa tiyangge kahit na mura lang iyon ay may dating naman ang damit na 'yon.

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Nakaladlad ang aking buhok na mahaba habang ang gilid na nasa unahan n'yon ay nakatirintas. Marunong naman akong magpuyod kahit paano sa sarili ko.

"Ang ganda mo talagang bata ka."

Tumingin ako kay Nanay Brenda nung magsalita ito sa aking harapan. Kakapasok lang nito at kita ko agad sa mga mata nito ang mangha dahil sa nakikita sa akin.

"Ito Ija gamitin mo ito."

Nakita kong may kinuha si Nanay Brenda sa bag nitong maliit. Nakasuot ito ng isang formal attire na kulay pulang Dress, hindi naman katandaan si Nanay Brenda pero kung makalait sila Annabelle dito ay parang mga walang galang.

Inilabas doon ni Nanay Brenda ang isang maliit na bote doon. Hindi ko alam kung ano iyon.

"Heto, binili ko ito para sa pamangkin ko dahil nagpapabili sa akin pero hindi ko naman na ibigay dahil nakalimutan ko."

Ibinigay sa akin ni Nanay Brenda ang kinuha nito sa bag. Nagtataka man ay kinuha ko iyon.

"Para iyan sa labi, lipstick yata iyan."

Tumingin ako sa nasa kamay ko, hindi ko alam kung anong kulay ito. Dahil masyado itong nahahaluan ng pula at itim.

"Dali! I testing mo na!"Excited na sambit ni Nanay Brenda na pumalakpak pa.

Binuksan ko ang maliit na bote. Meron iyon na parang maliit na bola. Tumingin ako sa salamin, idinampi ko ang bola sa aking labi at pinagulong iyon.

Hindi ito ang unang beses na malalagyan ng kolerete ang aking labi dahil nung una ay nang grumaduate ako nung elementary.

"Sinasabi ko na nga bang sobrang ganda at bagay yan sayo!"Masayang pumalakpak si nanay Brenda.

Akala ko ay iba ang kulay n'on pero hindi pala, kulay pula itong tamang tama lang sa aking labi.

"Maganda ang labi mo pero hindi ko inaasahan na mas may igaganda pa pala iyan."

Tinakluban ko ng takip ang hawak ko, binasa ko ang nakadikit doon.

Liptint.

Hindi ito malabnaw, hindi rin ito malapot. Tama lang na kapag nilagay sa iyong labi ay sigurado ka ng hindi kakalat at lalagpas dahil konting lagay lang ay ayus na at lalabas na ang kulay noon sa labi mo.

Nahihiya akong tumingin kay Nanay Brenda dahil wala itong sinabi kung hindi ang papuri sa akin. Feeling ko tuloy ay lumalaki ang ulo ko dahil sa sinasabi ni nanay na papuri.

"Sayo na iyan, ibibili ko nalang ang apo ko,"

Nailagay ko ang aking kamay sa leeg dahil ramdam kong nahihiya at namumula ang pisngi ko na mamula mula kahit na walang nilalagay doon na tanging pulbos lang.

"S-salamat po,"Nahihiya kong usal kay Nanay Brenda.

"Dalhin mo 'yan, baka sakali na kaylanganin mo 'yan."hinila na ni Nanay Brenda ang aking kamay upang lumabas na sa kuwarto ko, wala nman akong kailangan dalhin dahil wala naman akong cellphone at kung ano ano.

"Wala ka bang bag?"Tanong sa akin ni Nanay ng makitang wala akong dala kahit isa at tanging sarili ko lang talaga.

Umiling ako."Wala naman po akong ilalagay,"Ngumuso ako dahil sa sinabi ko.

"Ay s'ya amina muna ang lipstick na 'yan."Inilahad ni Nanay Brenda ang palad nito sa aking harapan.

Inilagay ko iyon sa palad ni Nanay, Ihahatid kami ngayon ni Manong Deloy kung saan ang venue o baka sa kumpanya.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon