HPM 32

3.4K 58 3
                                    

MATURED CONTENT|YOU MUST BE 18!| FREE TO SKIP IT.| R-18.

"Nanay Brenda."pagkuha ko ng atensyon kay Nanay Brenda na nasa laundry room.

Tumingin ito sa akin at ngumiti. Malungkot lang akong ngumiti dito.

"Talaga bang tuloy na ang plano mo?"Tanong nito sa akin.

"Nanay, ilang araw lang naman po akong mawawala kasi ngayon lang po ang graduation ng dalawa kong kapatid at gusto ko po silang supresahin."Ngayon araw ang graduation nila Pilofie at Sparios sa grade 6.

Sobrang saya ko dahil ganito pala ang feeling kapag may napagtapos kang kapatid. Ito ang araw na hindi ko malilimutan.

"Nakapag paalam kana ba kay Zed?"

"M-magpapaalam palang p-po."Umiwas ako ng tingin dahil hindi maganda ang huli naming pag-uusap nito matapos makapasok sa bahay nito nung gabing iyon.

Pilit ko nalang kinakalimutan ang bagay na 'yon pero hindi ko parin talaga makalimutan. Isang buwan na ang nakakalipas ngunit iba parin ang pikikitungo nito sa akin.

"Oh, s'ya sige. Kung hindi kana mapipigilan."

"Nanay naman ilang araw nga lang po ak—"Hindi ko nasabi ang aking dapat sasabihin ng maramdaman ko ang pangangasim sa aking tiyan.

Mabilis akong tumakbo sa lababo at doon nagduwal ng nagduwal.

"Nagkakape ka nanaman ba?"Nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay Brenda.

Ilang beses pa akong nagsuka na wala naman inilalabas.

Nahmumog ako bago ko sagutin ang tanong ni Nanay.

"K-kaninang u-umaga po."Pagsasabi ko ng totoo, hindi ko alam kung bakit uminom ako ng kape kahit na alam ko naman ang mangyayari.

"Tsk, tsk, sinasabi ng huwag iinom ng kape."Pagalit na sermon sa akin ni Nanay Brenda.

Inayos ko lang ang sarili ko bago ako tuluyan ng magpaalam kay Nanay Brenda na agad naman din na bumalik sa ginagawa.

Nakita ko pa sila Annabelle at Krishna na nag-uusap pero hindi ko nalang pinansin at nilagpasan ko lang ang mga ito.

Hindi ko alam ang pinag-uusapan ng dalawa ng makalagpas ako sa mga ito. Huminga muna ako ng malalim bago ako umakyat kung nasaan ang kuwarto ni Alkez. Ilang buntong hininga ng malalim ang ginawa ko bago kumatok.

Alam ko naman na hindi nito maririnig iyon kaya pumasok na ako. Nakita ko itong may ginagawa. Lumapit ako dito upang tignan iyon.

"What do you need?"Malamig na tanong nito sa akin.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa ginagawa nito. Kinuha ko ang isang bond paper na nasa sahig na.

Nasabi nitong nakakapag drawing ito pero hindi ko akalain na ganito ito magdrawing. Isang planeta iyon na maganda kasama ang mga bituin. Hindi ko lubusan ang ginawa nito pero namamangha ako.

"Uuwi muna ako."Sabi ko dito.

Nakita kong nagdilim ang mukha nito ganun na din ang mga mata.

"Then?"Tanong nito sa mas lalong malamig na tono.

Kinakabahan ako kapag ganito ito makitungo pero sanay na naman ako. Hinawakan ko ang kamay nitong may hawak na lapis at tinama iyon sa isang blangkong side.

"Ilang araw sana akong mawawala. Graduation ng dalawa kong kapatid."I shade the stars on the other side guiding his hand.

Huminga ito ng malalim bago tumango.  Akala ko ay hindi na ito magsasalita pero nagsalita pa ito.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon