"M-madeo, ayus kalang ba?"Walang patid ang pagtulo ng aking luha dahil dito.
"Ate!"Mahigpit ako nitong yinakap na agad ko naman sinuklian."Ate si Pilofie at Sparios ate!"
"N-nasaan ang mga kapatid natin?"Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang hikbing kumawala.
Umiling iling si Madeo kaya agad akong na guluhan."Ate, pinaghiwalay kami ni Don Montividad ng mga kapatid ko, h-hindi ko alam kung saan nito dinala sila Pilofie at Sparios ate."
"S-si Tatay?"
Dahil sa tanong kong iyon ay maslalo itong umiyak at idiniin ang mukha sa aking dibdib at doon bumuhos ang mga luha.
"A-ate, p-pinatay n-nila si t-tatay."
Literal na gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi ni Madeo. Tumulo nang tumulo ang aking luha.
Tila sinasaksak ang puso ko dahil sa sinabi nito. Ilang buwan lang akong nawala pero bakit ganito yung aabutan ko? Bumalik ako para sa graduation ng mga kapatid ko pero bakit hindi ko makita ang mga kapatid ko? Ilang buwan lang akong nawala pero bakit nagkaganito si Madeo?
Sumidhi ang galit ko kay Don Montividad. Sobra na ang galit na ibinibigay nito sa akin. Hindi ko na alam kung saan mapupunta ang galit na 'to.
Sobra na siya. Sa kanila na nanggaling ang mga natamo ni Tatay dahil sa kanila bakit hindi parin niya tinigilan ang tatay ko?
Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o tinding pagluha ay nawalan nalang ako ng malay.
"Ate! Ate!"
Ayun ang huling narinig ko galing kay Madeo.
Iminulat ko ang aking mga mata at nasa isang hindi kilalang kuwarto ako. Hindi ko alam kung nasaan ako kaya agad akong napabalikwas ng bangon.
"Ate!"Nagaalalang tawag sa akin ni Madeo na agad akong nilapitan.
Nakita ko din ang isang Doctor na kakapasok lang at agad na ngumiti sa akin.
"Gising kana pala Ija."Nakangiting sambit nito sa akin.
"B-bakit po ako nandidito?"Tinanggal ko ang kumot na nasa aking hita at agad na tatayo na sana ngunit mabilis akong inalalayan ni Madeo ng makaramdam ako ng hilo.
"Ija, hindi ka muna pwedeng gumalaw o mapagod dahil sa dinadala mong bata sa sinapupunan mo."
Nabingi ako at nanigas sa kinauupuan dahil sa sinabi ng doctora sa akin. Hindi makapaniwalang tumitig ako dito. Hindi ko alam ang sasabihin at magiging reaksyon ko.
Isa lang ang nasa isip ko.
Hindi ako handa dito. At alam kong hindi ko makakaya. Mahina ang katawan ko at hindi ngayon buwan ay hindi nagiging maganda ang puso ko.
"D-doctora a-ano pong sabi mo?"Pag-uulit ko ulit dito.
Hindi na aalis ang ngiti ng labi sa akin ng doctora."Kambal ang nasa sinapupunan mo kaya hindi ka muna pwedeng magpagod. Congratulations—"
"Ate, diba hindi ka pwedeng magbuntis? M-may sakit po s-s'ya sa puso D-doc..."
Nawala ang ngiti sa akin ng doctora at napalitan iyon ng isang malungkot na emosyon. Ako naman ay wala sa sariling tumingin sa aking tiyan.
Hindi ko alam kung kailan at paano ako nagkaroon ng isang sintomas nang pagbubuntis.
Acidic ako, kaya hindi pwedeng iyon ang sintomas.
Napapikit ako ng mariin ng maalala ko kung paano ako mabighaning uminom ng kape kahit na bawal sa akin. Pinipigilan ko iyon pero nitong mga nakaraang lingo ay tila hindi ko mapigilan ang sarili ko parang gustong gusto kong uminom noon.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...