HPM 10

4.1K 79 0
                                    


Kumakain na kami ng pananghalian nung bumaba si Annabelle na may ngiti sa labi. Sobrang laki noon na kulang nalang ay mapunit.

Iniiwas ko ang aking tingin dito dahil sa naramdaman na kakaiba.

"Ngiting ngiti ka yata ngayon Belle?"Tanong ni Carlo dito ng makapunta ito sa hapag.

Sinulyapan ko ito at nakatingin ito sa akin ngayon na parang tinitignan ang aking magiging reaksyon.

"May ibibigay na regalo sa akin si Sir!"Masayang sabi nito na sa'kin nakatingin.

Pinanatili kong maging maayos ang aking kaloob-looban kahit na parang napapaisip ako kung ano ba talaga ang napag-usapan ng dalawang ito. O kahit na inutusan lang ito ni Sir.

"Talaga!? Kailan?"

"Ngayong linggo at hintayin ko nalang daw iyon! I can't wait!"

Umupo ito kung saan ang harapan ko. Buti nalang ay tapos na akong kumain at nagpapahinga nalang.

"Oo nga pala Alista, pinapatawag ka ni Sir."Nahimigan ko sa boses nito ang disgusto sa sinabi nito sa akin.

Nagtataka man ay tumango ako dito bago tumayo at napag pasyahan na puntahan si Zed sa taas.

Hinawakan ko ang doble door upang makapasok sa kuwarto nito.

Agad akong napatigil at tila nawalan ng hininga ng makita ko ito. Kakalabas lang nito ng banyo at naka boxer lang ito, nanuyo ang aking lalamunan dahil sa nakita ko dito. Kitang kita ang katawan nitong hindi sobrang masakit sa mata, hindi ito payat, tama lang ang katawan nito. Sobrang puti na konting hampas lang yata dito ay mamumula na agad iyon doon.

Itinikom ko ang aking bibig dahil baka pasukan iyon ng kung anong insekto o elementong nandidito sa loob ng kuwarto nito.

"Even you didn't speak. I feel you."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito. Aligaga ako at hindi alam ang gagawin kung bababa ba o magpapatuloy at magtatanong dito.

Ramdam kong nag-iinit ang aking mga pisngi kaya napapikit nalang ako. Habang nakapikit ako ay nagsalita ako.

"M-may k-kailangan p-po k-kayo?"Utal utal na tanong ko dito. Nakapikit parin.

Ngayon lang ako nakakita ng ganung kagandang katawan! Hindi ko alam kung naligo ba ito o ano! Pero ang ganda talaga ng katawan nito!

"Can you shower me?"

"P-po?"

"Paliguan mo ako."Matigas na ulit nito sa wikang Filipino.

Mas lalong hindi ko na malaman kung ano pabang dapat tamang isipin dahil sa sinabi nito. Ano daw!? Paliliguan ko ito!?

"Well, I don't need your answer. Because I'm your boss. You do whatever I said to you."Malamig na sambit nito."Paliguan mo ako dahil na iinitan ako."Matigas na utos nito.

Wala na akong nagawa dahil sa sinabi nito. Naintindihan ako ang sinabi nitong English. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at huminga ng malalim bago tumingin ulit dito.

Nakapameywang ito ngayon habang ang isang kamay nito ay hawak ang itim nitong pang-alalay na parang tukod na kulay itim.

Nanginginig na naglakad ako patungo dito.

"Ihahanda ko lang po ang damit mo Sir—"

"Call me what you called to me earlier."Utos nito.

"Sige po S-sir–"hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng putulin na naman ako nito sa pagsasalita.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon