HPM 45

4K 63 7
                                    

Hanggang sa makababa ako at makalabas ng kumpanya ay nagngingitngit parin ang loob ko sa mga pinagsasabi ng gagong iyon.

Nakaupo ako ngayon sa isang park na hindi kalayuan sa kumpanya, lunch time na rin naman kaya dito muna ako. Mas maiging tumingin nalang ako sa mga nagdadaanan na buong pamilya kaysa sa pakinggan ang walang kwentang pinagsasabi ni Alkez.

Napatingin ako sa isang bata na may hawak na cotton candy at masayang naglalakad.

Wala sa sariling mapait akong napangiti. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap doon ang number ni Asher.

Nakailang ring iyon ngunit hindi nito sinasagot. Baka pinapakain ang dalawa?

Huminga ako ng malalim.

"Can I sit there?"

Tumingin ako sa lalaking nakasumbrero. Wala sa sariling tumango nalang ako. Tumabi ito sa aking tabi na walang nakaupo dahil ako lang ang mag-isa sa upuan sa bleachers.

"Dy!"

Tumingin ako sa batang babae na papunta ngayon sa aming gawi. If I'm not mistaken her age is three years old.

"Letizia, I told you to go to your Mum."

Tumayo ang katabi kong lalaki na ngayon ay sinasalubong na ang batang babae na nakadress na kulay blue.

Tumingin sa akin ang batang babae na may kakaibang mga mata. Umawang ang labi ko nung ngumiti ito sa akin. Ang mga dimple nito ay labas na labas kapag ngumi-ngiti.

"Looow!"Masayang usal nito sa akin.

Ngumiti ako dito at bahagyang kumaway pa. Napaka ganda ng batang babaeng ito. Her cognac was perfect to her. She looks expensive.

"Hi!"Masayang bati ko din dito.

Ang ngiti nito ay mas lalong lumawak at lumaki.

"Butipul Dy!"Masaya pa akong tinuro nito.

I heard her father sighed.

"Yes Zia, she's beautiful."

Ang malalim na boses ng lalaki ay parang tila nakakapangindig ng balahibo. Sobrang lalim noon at napaka manly.

Lumunok ako nung tumingin ito sa akin ngunit agad din napakunot ang aking noo nung titigan ako nito ng matagal.

"Don't you remember Ate?"

Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi ng lalaki. Tinanggal nito ang sumbrero at lalong napa awang ang aking labi.

"M-madeo?"Paninigurado ko dito.

Ngumiti ito sa akin at tumango.

"How are you? It's been years and I think your twin is already nine nor ten years old?"

Lumapit ito sa akin na buhat buhat ang batang babaeng sigurado akong anak na nito. Bigla tuloy akong napa-isip kung ilang taon na ngayon ito dahil sa haba ng panahon na hindi kami nagkikita nito.

"Y-yes. Their birthday is upcoming this Month. December 30."Tumingin ako dito. Ang batang hawak nito ay pinaglalaruan na ang aking buhok na tila tuwang tuwa doon.

"Pilofie is now grown."

Naalala ko nung mga araw na lumipas nung nagkita kami ni Pilofie na halos itaboy ako nito sa pizza parlor. Kita ko nga dito ang pagbabagi simula sa lahat. Simula sa batang labing isang taong gulang sa dalagang nakita ko noon.

Sobrang laki na talaga ang pinagbago nito. Alam kong noon pa man ay maganda na ito ngunit mas lalo lang gumanda ang mukha nito at ganun narin ang katawan.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon