HPM 9

3.7K 72 14
                                    

Sa ilang araw na nagta-trabaho ako bilang isang personal maid ni Mister Alkez doon ko napatunayan na hindi lang kasing lamig ng yelo ang mga mata nito kundi ganun na din siguro ang lahat ng kaanyuan nito.

At sa ilang araw na magta-trabaho ko dito ay alam ko na ang ayaw at hindi nito. Katulad ngayon.

"Huwag ko nalang po kayang lagyan ng asukal Nay?"Inosenteng tanong ko kay Nanay Brenda.

Nanay nalang daw ang itawag ko dito at huwag aling Brenda dahil masyado daw nitong hindi gusto. Kaya ayun at nasanay na ako sa nanay kahit na ayun ang unang beses ulit na mababanggit ko iyon.

"Ay! Jusko Iste ayan ang huwag mong gagawin dahil hinding hindi n'ya gusto iyon."Napangiwi si Nay Brenda dahil sa sinabi ko.

Inutusan ako nitong magtimpla ng kape kahit na tanghaling tapat ay nagkakape parin pala ito.

Ito ang napansin ko dito. Mahilig itong magkape sa hargin kung minsan ay sa malawak na balcony nito.

Matapos kong maitimpla ang kape nito ay umakyat na ako sa kuwarto nito dahil wala naman ito sa hardin. Binuksan ko ang doble door nito para makapasok sa kuwarto nito.

Nakita ko ito sa balcony nito na nakaupo habang ang cellphone nito na nasa tabi nito at nakikinig ng kung anong kanta.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing malalapit ako dito ay laging kumakalabog ang dibdib ko ng malakas. Tulad ng ginagawa ko ay huminga ako ng malalim bago ako marahan na pumunta sa tabi nito.

"Eto na po ang kape mo S-sir..."

"How many times do I need to tell you na It's Zed not Sir hmm?"

Ayun na naman ang kabang nararamdaman ko sa tuwing ganito ang sinasabi nito sa akin. Isang beses ay nairita ito sa akin dahil sa ayaw talaga nitong tawagin kong 'Sir'

"Sige po kuya,"Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa naging reaction nito sa tinawag ko dito.

Narinig kong mahina itong nagmura sa linggwaheng ingles kaya napangiwi nalang ako. Sa ilang araw na magta-trabaho ako dito ay hindi ko mapigilan ang inisin ito.

"Nasaan ang kape ko?"Tanong nito sa matigas na tagalog.

Kailan ba ako masasanay na ganito talaga ito kapag magsasalita ng tagalog ay palaging matigas at malamig.

Inilapag ko ang platito sa tabi nitong lamesang pabilog na kulay itim na medyo maliit.

"Nasa tabi mo na po Kuya—"

"Stop calling me kuya! You are not my sister!"Inis na malakas na sambit nito sa akin.

Napapikit pikit ako dahil sa pagkakainis nito sa akin.

"Sige po Sir,"Nagkabit balikat ako at aalis na sana sa harapan nito ngunit nagsalita na naman ito.

"Clean my bed."Bossing utos nito sa akin.

Hindi na ako nagreklamo at nagtungo ako sa malaki nitong kama. Iisa lang ito pero ang kama nito ay kasing laki siguro ng kuwarto ko sa baba.

"After that, bring with me the brown envelope, nasa tabi lang 'yon ng tv."

Habang inaayos ko ang bed cover nito ay tumingin ako sa malaki nitong tv na mukhang hindi naman nagagamit.

Matapos kong palitan ang bed cover nito at mai-ayos ang mga unan nitong mababango na kasing amoy nito ay nagtungo ako sa sinasabi nitong envelope na kulay brown.

Hindi ko alam kung anong laman noon wala din akong karapatan na buksan iyon kaya naglakad na ako patungo dito.

"Open it and...wait can you read right?"

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon