HPM 13

3.6K 81 6
                                    


Ganun nga ang nangyari, tahimik lang kami hanggang sa makarating sa isang fastfood chain na nadaanan ang sasakyan.

"What do you want?"

Mabilis akong bumaling kay Zed nung magsalita ito. Napatingin muna ako kay Albert dahil bumiling ito sa amin.

"Ahm, k-kahit ano nalang...?"Nahihiyang usal ko kay Zed.

Bumaling na ako dito at nakita kong sobrang dilim at lamig ng tingin nito kung saan.

"Order the light food for her."ayun lang sinabi nito bago tumahimik na ulit.

Sinunod ni Albert ang sinabi ni Zed na agad naman ibinili ang sinabi nitong 'Light food' hindi ko alam kung ano ba iyon o kung ano ano ba ang mga iyon.

Matapos sabihin ni Albert ang mga pagkain ay umandar na ang sasakyan, hindi ko alam kung saan patungo iyon. Tumigil ito sa king babaeng nasa loob ng McDonald.

Isinarado ulit ni Albert ang salamin at ibinigay sa akin ang inorder nito, kumalam ang sikmura ko dahil sa na amoy na aroma, sobrang bango noon at parang kay sarap kainin.

Hindi pa ako nakakapunta at nakakakain ng ganitong uri na kabango at mukang kasarap na pagkain.

"Eat that all."

Binuksan ko ang paper bag at mas lalong sumabog sa buong sasakyan ang amoy n'on, sobrang bango nun dahilan para mas lalong kumalam ang aking sikmura.

Marahan kong kinuha ang isang kahon na papel sa loob nun. Tumingin ako kay Albert.

"Bert, gusto mo?"Tanong ko dito.

"Tsk."

Kunot noong bumaling ako kay Zed, irita ang mukha nito at matalim ang tingin sa kung saan na naman.

Doon ko lang natanto na dapat ay ito ang una kong inalok dahil baka gusto nito.

"Z-zed gusto m-mo?"Nahihiyang tanong ko dito.

Tumaas ang isang kilay nito.

"No thanks give that to others."Malamig na sagot nito sa akin.

Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung nahimigan ko ba ang pagtatambo dito o imahinasyon ko alang iyon.

Bumaling ulit ako kay Albert na nagmamaneho na ngayon sa kung saan, ang mga mata nito ay nasa daan na.

"Eat that."

Hindi na ako nagsalita dahil sa gutom na rin ako, kinuha ko ang tinidor sa gilid at ayun ang ginamit ko upang ipalibot ang spaghetti sa tinidor.

Napapikit ako ng malasahan ko ang sarap at linamnam ng sarsa at nilamnam ng kung anong uri ng manok o baboy ba ang sahog doon.

"Ngayon ka lang nakakain n'yan?"

Gulat akong tumingin kay Albert, may ngiti ito sa labi habang nakatingin sa dinaraanan.

Nahihiya man aminin ay sinabit ko dito ang totoo,"Ngayon lang ako nakakain ng ganitong uri ng spaghetti na maraming sahog, kapag si Mama lang kasi ang nagluluto ang nilalagay lang ay hotdog at cornbeef, pero masarap naman. Ayun ang pinaka masarap na spaghetti para sa akin."Nakangiting kwento ko dito.

Ngunit ang ngiting iyon ay napalitan din agad ng lungkot. Naalala ko na naman ang mga kapatid, inaalala ko kung kumakain ba itong mga 'to ng maayos o hindi.

Pinunasan ko ang aking pisngi dahil naramdaman kong may tumulo doon na luha, bakit ba iyakin ako pagdating sa mga kapatid ko? Kung ano bang kalagayan ng mga ito?

"Nakakausap mo ba yung mga kapatid mo?"Tanong nito bigla.

Nawalan na ako ng gana ngunit pinilit kong ubusin ang binili dahil masasayang lang kung hindi makakain at itatapon. Naranasan ko nang hindi kumain kaya hindi ako nagsasayang ng pagkain.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon