"Sa susunod huwag mo nalang pansinin ang mga 'yon, kulang lang sila sa pansin."Usal ko kay Mike.
Nasa daan na kami ngayon, punayag na akong makisabay sa bike nito dahil kung hindi kami aalis agad doon ay maslalong lalala ang atensyon.
"Matagal ko ng napapansin na binabastos ka nila,"
Ramdam ko parin ang kalamigan at kaseryosohan sa boses nito. Wala akong magawa para pakalmahin lamang ang boses nito, hindi ko alan kung anong dapat kong gawin.
Narating namin ang bukana ng bahay at nakita ko rin ang dalawa kong kapatid na sila Sparios at Madeo na mukhang may ginagawa sa maliit na bakuran.
Bumaba ako sa angkasan nito at tumingin sa mukha nitong madilim parin, Ngumiti ako dito,"Huwag mo nalang isipin iyon, ayus lang ako."Ngumiti ako dito.
"If they have a chance gagawin at gagawin nilang bastusin ka,"
Alam kong hindi na yata maaalis sa isip nito ang sinabi ni Martin.
Ilang minuto pa kaming nag-usap hanggang sa umalis na ito na may ngiti na sa labi, masaya at magaan kasama si Mike, pero hanggang doon lang ang turingan namin...ang pagkakaibigan.
"Ate! Sino po yung kasama mo?"
Hindi na ako nagulat na mag ta-tanong ang dalawang kong kapatid na lalaking siyang nakakita kay Mike.
"Wala kaibigan ko lang,"Sambit ko. Tinignan ko ang ginagawa ng dalawa.
Kumunot ang noo ko dahil may hukay na maliit doon at may naka-usbong tangkay ng kung anong halaman.
"Ano yan?"Tanong ko.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumiti.
"Hindi namin alam kung tutubo ba ang halaman na 'yan ate,"Nagkabit balikat si Madeo.
"Umiiyak po kasi si Fie, itanim raw po namin at kapag lumaki ay aalagaan niya."
"Ano bang halaman 'yan?"Takang tanong ko sa dalawa.
"Ang sabi daw po ni Fie ay rosas na kulay pula, pero hindi po kami naniniwala."
Ang pagtataka ko ay nauwi sa mahinang tawa at iling.
"Bakit ano ba sa tingin niyo?"Tanong ko sa dalawa, si Sparios ay marahang dinidiligan ang limang tangkay na naka-usli sa lupa.
"Hindi po namin alam,"Natatawang sambit ni Madeo.
Umiling nalang ako sa sinabi nito, iniwan ko na ang dalawa bago ako pumasok sa bahay, nakita ko si Pilofie na nagsusulat sa notebook nito.
"Ano 'yan?"Tanong ko kay Pilofie, inilagay ko ang aking dalang isang kilong bigas para ngayon at kinabukasan.
Tumingin si Pilofie sa akin bago ngumiti ng matamis,"Sabi po ni Ma'am, magdrawing daw po kami ng isang buong pamilya dito,"itinuro nito ang natirang band paper na binili kanina
Kumabog nang malakas ang aking dibdib dahil sa sinabi ni Pilofie, ito ang kauna-unahan na narinig ko ulit ang 'buong pamilya' dahil kulang na kami.
Mapait akong ngumiti sa kapatid kong bunso at sinilip ang ginawa nitong ukit sa papel na puti.
Maganda iyon, masaya, at kumpleto.
"Alam mo po ba ate, kapag laki ko gusto kong maging isang magaling na manlilikaha ng mga obra ng sining, gusto ko pong isang maging kilalang manlilikha!"
Ito ang unang beses na sinabi ng bunsong kapatid ko iyon, ang mga kapatid ko ay hindi nagsasabi sa akin kung ano ang mga gusto nito.
"Pag-iipunan ni ate ang mga gastos sa pag-aaral ninyong tatlo,"Balak kong mag-aral ulit ngunit parang ayoko na kung ganitong magsusunod-sunod ang gastos namin.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...