Ilang linggo na rin kaming nandidito sa Hospital. Halos hindi narin ako nakakapasok sa kumpanya ni Alkez dahil kay Zero na ngayon ay mas lalong namamayat at namumutla.
Tumingin ako kay Alkez dahil kakarating lang nito ngayon. Uuwi lang daw ito saglit dahil may kukunin. He said that to Zero. Hanggang ngayon ay hindi parin kinakausap ni Zeiven ang Ama nito.
Lagi lang tahimik si Alkez kapag nandidito. Tanging si Zero lang ang kumakausap dito kapag gising pero kapag hindi ay tanging tingin lang ang nagagawa nito kay Zeiven.
Katulad ngayon. Nakaupo ito sa mahabang sofa habang kami ni Zeiven ay nagkukulitan.
"Mama, what is your give this upcoming Christmas?!"Masayang tanong nito sa akin.
Malapit na ang pasko at ayun ang pinag-uusapan ng dalawang magkapatid kanina nung gising si Zero.
"What do you want? Books again?"Tanong ko dito.
Inilagay pa nito ang hintuturo sa baba na parang nag-iisip pa talaga.
"No, I don't need books for this Christmas."Seryosong sambit nito sa akin kahit na may bahid iyon ng ngiti sa labi."I only need this Christmas is you and Zero Mama,"Pagkatapos nitong sabihin iyon ay mahigpit itong yumakap sa akin.
Parang may kumurot sa akin dahil sa sinabi nito. Dahil kaharap lang namin si Alkez kitang kita ko sa mga mata nito ang sakit.
"Mama,"Tawag ulit sa akin ni Zeiven.
Tumingin ako dito."Yes baby?"Tanong ko dito.
"I thought that Man is one day lang dito? Why he is staying so long?"Inosenteng tanong nito sa akin.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata dahil sa sinabi nito. Nung magmulat ako ay matalim na ang tingin ko dito.
"He's still your father Zeiven Frei. Give him some respect."Matalim kong sambit dito.
Kita ko sa mga mata nito ang pagkawala ng emosyon sa mga mata nito. Nilalabanan ang aking talim na tingin.
"Give some respect to him, Mama?"Tanong nito sa malamig na boses."Did he give you respect? Hindi naman po diba?"
Nagpintig ang tenga ko dahil sa mga sinasabi nito.
"Frei, hindi na maganda ang mga sinasabi mo. Kanino mo natututunan ang ganyang asal?"Tinignan ko ito ng walang emosyon.
Sasagot na sana ito kung hindi lang sumagot si Alkez na ngayon ay mapait na nakangiti sa amin.
"It's o-okay,"Tumayo ito bago naglakad kung nasaan kami. Kahit sa boses nito ay ramdam ko ang sakit doon."I-if may nagawa man akong hindi maganda noon. Handa akong harapin ang kondisyon mo, You are my son, my flesh and blood."Lumuhod ito sa harapan ni Zeiven na nasa aking hita habang nakatingin sa Ama nito."J-just g-give chance to prove myself to y-you."Kinagat nito ang labi at yumuko ng may tumulong luha sa mga mata nito."I will do anything what you said to me."
Ako ang nasasaktan dito. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ni Zeiven para sa Ama nito. Hindi ko kayang diktahan ang kung ano man ang gusto nitong sabihin at mangyari.
"You will do anything?"Tanong ni Zeiven dito.
Tuminghay ito kay Zeiven at tumango ng walang pag-aalinlangan.
"Yes, anything."
Ilang araw ang lumipas nung mag-usap ang dalawang mag-ama kahit na malamig ang pakikitungo ni Zeiven kay Alkez ay hindi tumigil si Alkez sa pagpapatunay sa anak nito na bigyan siya ng chance.
Labas naman siguro ang buhay namin dalawa ni Alkez diba? Labas ang nararamdaman namin dahil alam kong meron parin itong sakit dahil sa nangyari sa kanila ni Skyriz.
BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...