HPM 4

4.1K 87 3
                                    


"Maraming salamat,"Sambit ko kay Mike, nasa harapan na kami ngayon kung saan patungo sa aming bahay.

"Malayo pa ang bahay n'yo, lalakarin mo 'yan?"tanong nito sa akin ng makita ang bahay namin na nasa gitna ng malaking puno ng mangga na tila ayun nalang ang sandalan na gumagabay sa aming bahay.

"Okay lang,"Kumaway ako dito at umatras na upang makapag lakad na ako patungo sa amin.

Dala ang pagkain ay nagmadali akong tumungo sa amin, nakita ko si tatay na nakaupo, kung ano yung iniwan ko ay ganun parin.

"Tay, may dala po akong pagkain,"Umupo ako sa tabi ni tatay at ang pagkain na nasa styro ay inilagay ko sa aking hita."Hindi ko po alam kung anong ulam pero sana isda po,"Bahagya akong natawa dahil sa hiling kong 'yon.

Binuksan ko ang styro at nakita ko ang ulam doon ay gulay na naman, kinuha ko ang kutsarang plastic na nandodoon at hinalo ang gulay na pinakbet.

"Tay,"Tumingin ako kay tatay na nasa malayo ang tingin."Kakain ka po ah? Hindi pwedeng hindi ka kakain ngayon, ako po ang magsusubo sayo."Inuuman ko ang pagkain sa bibig ni Tatay.

Una ay hindi nito tinanggap ngunit nung maramdaman siguro at na amoy ay bumukas ang bibig ni Tatay kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na isubo ang pagkain.

"Tay, alam mo po ba yung Ale kanina tinanong ako sana po maging totoo ang trabaho na 'yon,"Gamit ang kutsara ay kinuha ko ang ampalaya at talong tsaka iyon nilagyan ng kanin.

Iniuman ko ulit ang kutsara na may laman na pagkain na agad naman kinain ni Tatay.

Hanggang sa maubos ang pagkain kaya pinainom ko naman si tatay ng tubig na inuwi ko din.

"Tatay, babalik na po ulit ako sa trabaho ko,"Matapos kong bahisan ng pang-itaas na damit si Tatay ay nagpaalam na ako dahil kailangan ko ng bumalik sa trabaho.

Si Madeo na ang magpapalit ng pang-ibaba damit ni Tatay, dahil hindi ko kayang palitan ito doon, hanggang doon lang ako sa pang-itaas.

"Si Madeo na po ang magpapalit sa'yo mamaya, Tay."Sinuklay ko ang buhok nito na itim na itim ang kulay, mas maraming itim doon keysa sa kulay puti.

"Iiwan kona po muna ikaw dito,"Tumayo na ako at kinuha ko ang tubig na galing sa termos na ang laman ay pinakuluang pandan,"Eto po ulit yung tubig mo Tay, kapag na uhaw ka po inumin mo po iyan ah,"Dinampian ko ng halik ang ulo ni tatay bago ako tuluyan na umalis.

Katulad ng ginagawa ko ay sinulyapan ko pa ulit ang bahay kung saan nasa bakuran si Tatay. Mapait akong ngumiti dahil palagi nalang na iiwan na mag-isa si Tatay dito sa bahay.

"Ate!"

Nakasalubong ko ang kapatid kong si Madeo na naglalakad na patungo sa akin.

"Oh? 12:30 ang awasan n'yo ah?"Tanong ko kay Madeo ng makarating sa akin.

"Ate, anong oras na po,"Nakangusong sambit nito sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil ganun ba katagal ang pagkakausap ko kay tatay?

"Kumain kana ate?"Tanong nito sa akin.

Iling lang ang isinagot ko dito, hindi na kakain ngayon at mamayang gabi nalang. Sanay na akong hindi kumain ng tanghalian. Mas gusto kong ang ikakain ko nalang ay para nalang sa mga bata.

"Baka mapaano kana niyan ate,"May kinuha ito sa bag at ibinigay iyon sa akin,"Eto ate, tumulong ako kanina sa canteen kaya binigyan ako ng pagkain,"Pinakita nito sa akin ang binalutan nitong may kainin at ulam na gulay din ngunit tortang talong iyon."Kumain na naman ako ate, kaya sayo na 'yan."

Hindi ko na tinanggihan dahil magugutom ako mamaya, tanging tubig lang ang iniinom ko kapag tanghali. Kung minsan ay binibigyan ako ni Mike ng pagkain.

"Samalat,"Tinapik ko ang balikat nito at ginulo ang buhok,"Bantayan mo muna si Tatay, mamaya uuwi na yung dalawa,"tukoy ko kay Sparios at Pilofie.

Tumango ito,"Ako na ang bahala sa dalawa Ate."

Nagpaalam na ako dito, ilan bilin pa ang sinabi ko dito bago ako tuluyan ng maglakad.

Ngumiti kumunot ang aking noo ng makita ko sa bukana ng daanan si Mike na mukhang may hinihintay.

Ayokong mag assume na ako ang hinihintay nito ngunit ng tumingin ito sa gawi dito ay ngumiti ito at pinadyak ang bike nito patungo sa kinaroroonan ko.

"Hinintay talaga kita dahil gusto ko sabay tayong magtungo doon,"Nakangiting sambit nito sa akin.

"Nakakahiya naman Mike,"Totoo iyon, kahit na pa pabor sa akin ang ginagawa nito ay nahihiya parin ako.

"Ano kaba, ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang mahihiya?"Tumawa ito bago kinuha ang aking kamay at pinaupo ako sa may espasyo ng bike nito namay foam na naka palibot doon."Hindi ka pa kumakain?"tanong nito ng makita ang dala kong baunan.

Tumingin ako doon,"Hindi pa, siguro doon nalang sa trabaho."

Kita ko sa mukha nito ang pag aalinlangan ngunit tumango ito.

Umupo na ako sa bike nito, kaya habang nagmamaneho ay nagku-kwento ito patungkol sa pag-aaral nito.

"Second year college na ako,"Sambit nito."I'm taking Engineering ang kinukuha ko, I'm not good at math, pero ayun ang kinuha ko."

"Buti kapa, ako nga grade 6 lang ang natapos ko,"Pagsasabi ko dito.

Tila hindi ito nakapag salita dahil sa sinabi ko, ngayon ko lang sinabi iyon sa ibang tao, nahihiya ako dahil sila ay may mga matataas na pangarap ngunit ako ay hindi ko na makakamit ang gusto kong maging isang Architect o kahit designer.

"Don't give your hope, 'cause god can give what you want your dreams is, basta huwag lang mawawalan ng pag-asa."

Sa kahabaan ng katahimikan ay ayun ang sinabi nito, hindi ko na intindihan ang engles nito dahil mahina ako sa engles.

"Matagal na akong nawalan ng pag-asa,"mahinang bulong ko.

Narinig kong ngumisi ito sa sinabi ko,"Sa lahat ng pagsubok diyos ang malalapitan natin, magdasal kalang."wika nito.

Hindi ako nagsalita sa sinabi nito, alam kong siya lang yung makakapitan pero bumitaw ako, bumitaw ako dahil sa pagod, nawawalan ako ng pag-asa.

Hanggang sa makarating kami sa pinagta-trabahuhan namin ay nanatili kaming tahimik na dalawa.

Sandaling nakapag-usap pa kami hanggang sa makapasok na kami sa loob.

Kinain ko muna ang pagkain na ibinigay sa akin ni Madeo bago ako napatuloy sa paglalagay ng mga uling na maliliit at malalaki sa sako.

Hanggang sa hindi ko na napansin ang oras ng may kumalabit sa aking balikat dahilan para mapatingin ako doon.

"Sumabay kana sa akin mamaya ulit,"Wika nito sa akin.

Ngayon ay ang tapos namin sa trabaho, naglakad kami patungo sa desk upang mag log-out kami.

"Kaya ko na naman maglakad, may liwanag pa naman."Ngumiti ako kay Mike.

Hindi ito pumayag sa gusto ko, pinilit ako nito hanggang sa pumayag ako, nakita ko sila Martin na nakatingin sa amin ng masama na para bang may ginawa kaming hindi maganda dito.

Hindi ko iyon pinansin dahil alam ko ang mangyayari kapag pinansin ko pa iyon.

"Ano Mike? Mabibiktima mo ba?"

Dahil sa sinabi ni Martin ay kumunot ang noo ko dahil sa hindi ko iyon. Nagustuhan sa aking pandinig.

"Tol, hindi ako manyak na tulad mo."Seryosong sambit dito ni Mike.

Nabastos ako sa sinabi ni Martin pero hinila ko ang braso ni Mike, tumingin ito sa akin na naka kunot ang noo. Umiling ako dito para basihin na huwag nalang pansinin.

"Next time if I heard some of words na hindi maganda sa pandinig ko Martin, hindi ako magdadalawang isip na patulan ka, Patpat ka lang tandaan mo."

Kinilabutan ako sa pagkakasabi nun ni Mike, walang ka emo-emosyon at sobrang lamig noon.

"Hayaan mo nalang,"Kabadong sambit ko dito dahil ayokong mapahamak pa ito at lumala ang tensyon sa pagitan.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon