HPM 15

3.9K 73 3
                                    


Ilang oras na kaming nandidito at ang ibang mga babae ay nasa pool na yata dahil doon daw ang mga ito pupunta. Narinig ko kanina.

Iilang lalaki nalang ang nandidito dahil sumama narin sa ibang mga babae sa pool.

"What to drink Ms, Caine?"Tanong sa akin nung isang lalaki na may mapaglarong ngiti.

Pero imbis na ako yung sumagot ay yung katabi ko ang nagsalita dito.

"She's not allowed to drink Laxxon."

Hindi na nagsalita ang lalaking nag ngangalang Laxxon, tumahimik nalang ito ngumit may ngisi sa labi.

"I heard Skyriz have a new Boyfriend,"

Kanina pa ako kinakapos sa hininga dahil sa lalaking naninigarilyo hindi kalayuan sa amin, mukhang susumpungin yata ako ng hika, natatakot akong tumayo dahil hindi ko naman alam kung paano buksan yung pintuan.

"That's good for her."

Napabaling ako kay Zed na ngayon ay may hawak na naman na latang hindi ko alam kung ano bang laman noon.

Tahimik lang ito at ang mga na malamig ay nakapikit na ngayon.

"She don't need me the way I need her before,"Sambit nito sa matigas na wikang English.

"I feel like you didn't move on yet to her?"

Magsasalita na sana si Zed ng pangunahan ko ito, hindi na talaga ako makahinga ng ayos dahil sa usok ng sigarilyo.

"P-pwede ba akong l-lumabas?"Mahinang usal ko dito na ito lang ang nakakarinig.

Napatingin sa amin ang apat na lalaking may kanya kanyang hawak na lata.

"Why?"Malamig na tanong nito, ang mga mata nitong nakapikit ay ngayon ay nakamulat na.

"H-hindi ko m-maayos y-yung pag hinga ko d-dahil sa s-sigaliryo..."nahihiyang sagot ko dito.

Tumaas ang isang kilay nito bago marahan na tumango.

Tatayo na sana ako ngunit hinawakan nito ang aking kamay kaya hindi ako nakatayo agad.

"We need to go Now, tell to the girls na uuwi na kami."Ayun lang ang sinabi nito bago may pinindot ang laging dala nitong tukod. Humaba iyon sa tama lang bago ako nito hinila.

Tumingin ako sa mga kasamahan nitong na iwan doon sa pabilog na sofa nakatingin lang ito sa amin na may ngisi sa labi.

Napansin ko naman ang yung isang lalaki na kanina pa tingin ng tingin sa akin. Hindi ito nagpakilala kaya hindi ko kilala kung sino ito.

Hanggang sa makalabas kami ng condo ni Baroz ay nakahawak parin sa akin ang kamay ni Zed.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng maka singhap ako ng sariwang hangin.

"Are you okay now?"Tanong nito sa akin.

Binawi ko ang aking kamay dito na binitawan naman nito agad. Kumunot ang noo nito at ang mga mata nitong malamig ay puno ng pagtatanong ngunit nawala din iyon.

"Ayus na ako, salamat."Puno ng kabang sambit ko dito.

Bakit ba sa tuwing konting hawak lang nito ay parang bumibilis yung tibok ng puso ko? Kinakabahan din ako nang malala.

"Ijo! Saan kayo galing?! Tumawag ang Daddy mo kanina!"

Ayun agad ang bungad ni Nanay Brenda ng makauwi sa bahay. Inalalayan ko si Zed sa likuran nito dahil ito ang naunang bumaba sa sasakyan.

"Baroz condo Nana,"Sambit ni Zed bago hinawakan ang aking kamay para ako naman ang gabayan.

"S-salamat."Mahinang usal ko.

His Personal Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon