Pawisan na ang aking suot na sunbra na suot dahil sa aking ginagawang pag-uuling, ito ang ikinabubuhay ko at ng pamilya ko, ang pag-uuling."Ate!"
Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko ang kapatid kong labing limang taong gulang na nag-aaral.
Ako ang nagpapaaral dito at sa tatlo ko pang kapatid na mga kabataan pa. Ayus lang sa akin na sila ang mag-aral keysa sa akin.
Hindi okay sa akin ang makapag tapos lang ng grade 6, ngunit hindi ko rin gustong hindi makitang hindi nakakapag-aral o makapag tapos man lang ang aking mga kapatid.
"Ate! Tignan mo grades ko! Ang tataas!"Ibinigay nito sa akin ang isang papel na kung saan nakalagay ang mga grado nito.
Tinignan ko ang papel na ibinigay nito sa akin at agad din akong napangiti ng makita ang mga matataas nitong grado.
"Nakakuha pa ako ng achievements!"Binuksan nito ang bag na lumang luma na at may kinuha doon na papel ulit.
Ibang tekstura na papel, manilaw nilaw ito.
"Eto ate! Best in Filipino, math at English!"
Ibinigay nito sa akin ang tatlong papel, at doon ay nakalagay ang mga nakuha nitong mga parangal.
Gunulo ko ang buhok nang kapatid kong lalaki na si Madeo Joaquin. Late ng nakapag aral ito sa edad na kinse ay nasa second year high school palang ito.
Dahil sa katuwaan ay ngayon ko lang naalala na kulay itim nga pala ang aking kamay dahil sa uling na inilalagay ko sa mga sako.
"Umuwi kana, walang kasama si Tatay sa bahay,"Kinuha ko ang perang inupa sa amin, alam kong maliit lang na halaga iyon at kailangan ko pang pagkasyahin sa buong araw."Eto, bumili ka nang dalawang sardinas tapos sibuyas,bawang,toyo, at limam pisong kalamansi. Gawin mong inalamangan,"Wika ko dito bago ko i-abot ang isang daan na inupa sa akin.
Ngumuso ang kapatid ko at alam ko na ang kasunod noon, magrereklamo ito.
"Kailan tayo maguulam ng manok ate?"
"Kung ano yung meron ayun nalang ang kainin natin ah? Huwag ng magreklamo, kapag alam mong wala tayong pambili."Mas lalong ngumuso ito na idinaan ko nalang sa tawa ng mahina.
Kahit na may kumurot sa aking puso ay idinaan ko nalang sa tawa. Anong magagawa kung isa kami sa mga mahihirap? Ang alam ko lang na sulusyon dito ay ang mag-aral at magtrabaho.
Nang nakaalis ang aking kapatid ay agad akong bumalik sa ginagawa, inilagay ko ang mga maliliit na tipak ng uling at ang mga hindi kalakihang tipak ng uling ay sa kauri ko ito nilagay.
"Iste! Ano ba!? Napaka tagal mo namang magpapareho ka lang naman kung gaano ka lalaki ang mga iyan inaabot kapa ng siyam-syam!"
"Opo! Malapit na po akong matapos!"Balik na sigaw ko kay Ate Emily.
Minabilis kong matapos ang ginagawa dahil mag gagabi narin. Hindi ako nagpapaabot nang gabi dito sa kamalig kung saan puno ng mga uling.
Sa dalawang daan na upa nito sa akin ay hindi ko alam kung saan magkakasya iyon, sampum pisong baon sa mga kapatid ko, bigas at hindi ko alam kung saan kukuha ng pang-ulam. Pasalamat nalang kami ay may nakakain kami kahit na walang ulam.
Malaking tulong narin ang dalawang daan na upa sa akin dahil hindi ko alam kung saan pupulutin iyon, wala din akong makukuhanan na trabaho lalo na't ang natapos ko lang naman ay elementary, hindi ko rin alam kung ano ano ang pwedeng kunin.
Sinubukan kong pumasok sa isang karinderya subalit napaalis din ako dahil sa hindi ko na aayos ang pagsusukli, hindi ko man aminin sa sarili ko ay mahina ako pagdating sa matimatika.

BINABASA MO ANG
His Personal Maid
RomanceAlista Caine Malana Sa edad na labing siyam na taon ay nagawa niyang isakripisyo ang pag-aaral niya para sa mga kapatid niya. Sa edad na labing siyam ay natutunan niyang magbanat ng buto para pag-aralin ang tatlo niyang kapatid. She is the breadwi...