MHMIMP - CHAPTER 01

30.9K 773 428
                                    

CHAPTER 1: HOUSEMATE?

Xyrianna Isabella's POV

Black oversized shirt paired with black jeans and black ankle boots, black lipstick, messy bun hair style has a black choker necklace-

Ganyan ang itsura ng babaeng nakikita ko ngayon din sa harapan ko. Nakatingin kami ngayon sa isa't isa at parang parehas naming inaaral ang aming kabuuan.

Matangkad siya at may kaputian. Makinis rin ang mga balat niya, halatang alagang-alaga ang katawan. Wala ring makikitang kung ano-anong pimples o wrinkles sa mukha niya, makinis na makinis, pwedeng-pwede na siyang mag endorse ng mga skin care products.

Matangos ang ilong niya, tama lang rin ang kilay niya, hindi masyadong makapal, hindi masyadong manipis. Ang labi niya naman ay, ewan ko. black kasi ang lipstick niya, pero feeling ko naman maganda rin ito. Ang mga itim niyang buhok ay napakaganda kahit nakamessy bun siya. Dahil sa hairstyle niya kitang-kita ang piercings sa tainga niya, siguro tag-aapat yung nakalagay. Meron din siyang piercing sa ilong niya, nasa gitnang bahagi ito kaya-

Nagmumukha siyang adik at gangster sa itsura niya.

"Hello po, ate. Ikaw po ba ang seller ng bahay na 'to?" Pagbasag ko sa pagtitinginan naming dalawa. Medyo na awkward na rin kasi ako, masyado siyang magaling makipagtitigan, eh.

"What the hell? Excuse me? Me? A seller? Are you kidding me?!" Nakataas na kilay at Nakapamewang niyang tanong.

"E-Eh, sino po ba kayo ate?" Confused kong tanong.

"I'm the owner of this house," simpleng sagot niya at inirapan ako.

"So, kayo nga po 'yong seller?"

"What the fuck?"

Naguluhan ako sa sagot niya. Ano daw? Owner siya ng bahay pero hindi siya 'yong seller? Alangan namang ako ang seller? eh, buyer lang ako 'no! Tapos may pa what the fuck, what the fuck pa siya diyan. Napaka-arte.

"Anyway ate, pwede na ba akong pumasok? Gusto ko na rin kasing magpahinga, eh." Medyo pagod rin kasi ako sa byahe kanina kaya kating-kati na rin ang mata ko na matulog.

"Who do you think you are? Kasasabi ko lang na ako ang may ari ng bahay na 'to, right? So, maghanap ka ng bahay na papasukan mo, not my god darn house!" Sigaw niyang bulyaw sa'kin. Medyo uminit naman bigla ang ulo ko, gusto ko na talaga matulog pero mukang mapapasabak pa ako sa away, kainis.

Para matapos na ang gulo ay tinawagan ko nalang ang number ng seller. hindi nag ring ang phone ng nasa harapan ko kaya naman nagtaka na ako sa part na 'yon.

So, hindi talaga siya ang seller-

Anong ibig sabihin nito?

Pinapunta ko rito ang seller para ipaliwanag niya ang lahat, possible kasing magkamali ako ng pinuntahan dahil itong-ito talaga ang nasa litrato at address na ipinakita niya.

Kasalukuyan na kaming nakikipag usap sa seller ng bahay na 'to, at parehas kaming nagulat sa nalaman namin.

"WHAT?!"

"ANO PO?!"

Reaction namin ng marinig ang sinabi ng seller.

"Yes, you two will own this house," sabi ni seller.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon