MHMIMP - CHAPTER 41

13K 414 87
                                    

CHAPTER 41: THERAPEUTIC GIFT

Xyrianna Isabella's POV

"Okay na nga kasi ako. Tignan mo, nakakatalon-talon na ulit ako."

Ayaw kasi ni Ave maniwala na okay na ako eh, na hindi na masakit ang ulo ko. Ayan tuloy, nagtatatalon pa ako sa kama na parang bata para lang patunayan na okay na ako.

Natawa naman siya dahil sa ginawa ko.

"What on earth are you doing? Are you a kid? Hahahaha!" Tumatawang tanong niya.

"Ayaw mo kasing maniwala, eh." Malungkot kong sagot at tumigil kakatalon, umupo na lang din ako sa tabi niya.

"Alright, alright. Naniniwala na ako." Natatawa niyang usal. Tignan mo 'to. Kanina ang seryoso, ngayon ang saya na. Grabe talaga and mood swings nito.

Tsh.

Anyway, makakatalon na rin ako ulit sa wakas. Sana talaga ay tumangkad na ako. Kung hindi niyo kasi naitatanong. Maliit lang talaga ako. Actually kung nasa 5'9 si Ave, siguro nasa 5'5 lang ako or 5'6, hays. Pero okay lang naman dahil kung pagkukumparahin ay mas matangkad ako kay Ali at Aki. Parehas lang naman kasi silang 5'4 hahahahahaha!

Char.

"Tara na, let's eat dinner na."

"Hindi ka pa kumakain?" Tanong ko. 9:00PM na kasi. Akala ko, ako na lang ang hindi pa kumakain.

"Notyet. I waited for you, para may kasabay kang kumain." Sagot niya.

"Hay nako. Tara na at kumain. Gutom na ako eh." Sabi ko at inaya na siya sa baba.

Hindi niya na ako pinag-asikaso kasi nakaready na pala ang mga pagkain sa lamesa, kakain na lang ang kulang.

"Nasa'n pala 'yong tatlo?" Tanong ko.

"Outside. Nakikiparty kasama nila sila Janesy."

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?"

"Because I wanted to take care of you. Mamaya sumakit na naman ang ulo mo at wala ako. You're my top priority for now." Seryosong saad niya habang kumakain. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya.

"Why are you smiling like that?" Natawa naman ako sa tanong niya.

"You know what? You're acting strange these past few days, What's wrong with you, huh?" Tanong niya na mas lalong ikinatawa ko.

Natatawang nagkibit balikat lang ako at uminom ng tubig.

Actually, hindi ko rin alam. Hahahahaha!

"I think you're going crazy. But I still like you, tho."

e-eh?

"Oh, you're blushing naman ngayon?"

"Lahat na lang napapansin mo, ah? Kumain ka na nga lang diyan." Saway ko sa kaniya at palihim na natawa.

"You're really blushing! I saw i-"

"Guni-guni mo lang 'yon!"

Hahahaha!

. . .

Matapos naming kumain ay naisipan na rin naming lumabas. Nasa labas rin kasi 'yong mga kaibigan ko, at nandoon na sila, nagsasaya.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon