MHMIMP - CHAPTER 34

13.4K 413 69
                                    

CHAPTER 34: PURSUE ME?

Xyrianna Isabella's POV

"Xyri, where's the gift I gave you?"

Ay, oo nga pala.

Actually hindi ko pa nakikita 'yong necklace na binigay niya sa'kin. Ang alam ko lang ay necklace 'yon.

"Ay, hindi ko pa 'yon nakikita eh, mga kaibigan ko pa lang. Inuna ko kasi 'yong letter mo na nakakawindang," sagot ko at ikinatawa naming dalawa.

Wala na ulit 'yong awkward moments namin simula nang magkaayos kami. Apat na araw na rin ang nakakalipas at apat na araw na rin kaming nakatambay lang sa bahay. Nanonood ng movies, naglalaro ng mobile games, naglaro pa nga kami ng games sa y8 at Friv na nilalaro ng kabataan dati. Sobrang boring kasi.

Christmas pa kasi kami uuwi sa mga bahay namin, hindi rin ako makauwi agad dahil 'yong mga kaibigan ko ay pilit nang pilit sa caroling thingy na 'yan.

Uuwi rin pala siya sa family niya sa Christmas, so technically, walang tao dito sa bahay sa pasko dahil parehas naming uuwian 'yong pamilya namin.

"Tsh."

"Wait, kunin ko lang," sabi ko at kinuha sa kwarto 'yong regalo niya sa'kin. Bumaba ulit ako at doon ko na tinignan ang regalo niya.

"Wow, ang ganda. Magkano 'to? Hindi naman siguro lagpas 'to ng isang libo 'no?"

"Million."

"Ah, million lang pala e-ano?! Milyon pesos halaga nito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. What the heck? Maximum of one thousand lang ang usapan namin!

"Hundred thousand... dollars? It's a customized diamond tulips necklace. It's a rare necklace."

Put-

"Hala, hindi ko 'to matatanggap. Ang mahal nito." Ibabalik ko sana sa kaniya pero 'di ko manlang namalayan na sinusuot niya na pala sa'kin.

"Mas mahal kita."

"Lah? Bumabanat ka na naman. What if banatan na kita?" Sabi ko na may halong biro. Sanay na ako sa pagbabanat niyan. Apat na araw niya na rin ako ginaganyan. Next time baka babanatan ko na talaga 'to ng literal. Ang corny na kasi.

"Go on. Pero dapat banat with love."

See?

"Ewan ko sa'yo, ang corny mo."

"Hahahahahaha! I wasn't kidding naman." 

Tumayo ako at iniwan muna siya sa sala. Ang corny na naman kasi, jusme.

"Where are you going?"

"Kukuha ng kutsilyo sa kitchen para matusukan ka sa tagiliran," lokong sagot ko.

"Ouch, ang brutal mo na naman, Xyri ko."

"Yuck, Kadiriiii! Parang ewan ka na naman! Bahala ka nga diyan!" singhal ko at inirapan siya.

Iniwan ko na muna siya at pupunta talaga ako ng kitchen pero maghihiwa lang ako ng apple. Nagugutom na kasi ako.

Hindi ko siya kinakaya, parang mapapaaga yata 'yong uwi ko sa probinsya nito, ah?

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon