CHAPTER 9: ENROLLMENT
Xyrianna Isabella's POV
Dalawang linggo na ang nakakalipas magmula nang makitulog sa kwarto ko si Pandang payatot. Paggising ko ay wala na siya sa tabi ko at kahit sa loob ng bahay ay wala siya, ni anino niya nga ay hindi ko man lang nakita. Tanging notes lang na printed ang nakita ko na nakalapag sa mesa.
Saan kaya siya pumunta?
Actually, buong isang dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita, hindi rin siya umuuwi sa bahay na 'to. Sabi niya for a week lang daw siyang mawawala pero two weeks na, hindi pa rin siya umuuwi.
Sa dalawang linggo na 'yon ay Nakapagpa admit na ako at na interview na rin sa University na papasukan ko. Hindi naman mahihirap ang tanong dahil tinanong lang naman ako kung bakit doon ang napili kong university na pasukan.
Nakapagpatayo na rin ako ng Milktea Shop pero dito lang rin malapit sa'min. Maliit lang siya kaya dalawa lang ang hinire ko para mag asikaso nito kapag busy ako.
Anyways, Hindi ko pa masyadong nalibot ang university na papasukan ko dahil sa mga araw na 'yon ay masyado akong busy sa small business ko.
Pero pupunta ulit ako doon para magpaenroll na. Siguro I'll take my time na rin para maglibot.
"Sa Shiniell University lang po, kuya." Sabi ko sa taxi driver.
Pagkarating namin ay bumaba na ako at nagbayad kay kuyang driver.
Naglakad na ako papunta sa university na iyon hanggang sa makarating ako kay kuyang guard.
"ID, Miss." Bawal kasi rito ang walang maibigay na ID bago pumasok, napakahigpit ng university na 'to kaya naglalabasan talaga kami ng ID dahil hindi papapasukin kung wala kang maibigay.
"Okay, pasok na." Sabi ni kuyang guard sa babaeng nauna sa'kin.
Ako na ang nasa unahan kaya ako na dapat ang magpapakita ng ID pero gano'n na lang ang pagtataka ko ng mapatingin ng ilang segundo si kuya at pagtapos no'n ay tinignan ang phone niya. Napataas ang kilay ko dahil doon.
"Kuya?" Tawag ko sa kaniya. Muli niyang tinago ang phone niya at tumingin sa'kin.
"Ikaw ho ba si Miss Alkaraz?" Tanong ni kuyang guard. Napakunot naman ang noo ko nang dahil doon.
Bakit ako kilala nito?
"Opo, bakit?" Tanong ko.
"Ay, sige po. Makakapasok na po kayo."
Para na naman tuloy akong tanga na pumasok sa loob. Actually, hindi na bago sa'kin 'to dahil no'ng araw pa lang ng admission at interview ay ganito rin ang nangyari sa'kin, tinanong ang surname ko at dire-diretso akong pinapasok sa loob.
Umiling-iling na lang ako at dumiretso na sa registrar para magpapirma ng documents.
May kalayuan pala ang registrar at mabuti na lang ay nasa first floor ito kung hindi baka nahimatay na ako sa pagod. Ngayon ko lang narealize na napakalaki nga ng school na 'to at sobrang daming pasikot-sikot. Pwede nga akong maligaw dito kung wala akong sinave na map ng university na 'to eh.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomansaShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...