MHMIMP - CHAPTER 27

13.5K 417 97
                                    

CHAPTER 27: FIRST HEARTBREAK

Xyrianna Isabella's POV

Wala ng nakakaalam pa nang nangyari bukod sa'ming tatlo nila Ave.

At sana nga ay wala na. Ayoko na ring ipublic 'to. Mas maganda ng private, para walang masyadong iisipin.

Kasalukuyan akong naghihintay dito sa kanto dahil gusto raw akong makausap ni Paul.

Ako lang ang mag-isang pumunta dito dahil iyon ang pakiusap niya, at sana nga ay walang sumunod sa'kin.

Nang makita namin ang isa't isa ay agad siyang lumuhod sa'kin at tumingin siya sa'kin ng nagpapaawa.

"Babe, magpapaliwanag ako. Please, maniwala ka sa'kin." Pagmamakaawa niya sa'kin habang nakaluhod pa rin.

Anong klaseng katangahan 'to?

Pero hindi agad ako nakapagsalita nang makita ang mga pasa at sugat sa mukha niya at sa iba pang parte ng katawan.

"Anong nangyari diyan sa mukha mo?"

"I... I hurt my self. I'm really sorry, babe. Patawarin mo na ako, please. Hindi ko na 'yon uulitin." Sagot niya at bigla siyang nag-iwas ng tingin.

"Tumayo ka diyan."

"Sasaktan ko nang sasaktan ang sarili ko, bumalik ka lang sa'kin ulit. Mahal na mahal kita. Promise, hindi ko talaga sinasadyang mangyari 'yon." Mangiyak-ngiyak na siya habang binibigkas ang mga salitang 'yan.

"Sorry, Paul. Pero nandito ako para makipag-ayos sa'yo at tapusin na 'to. Stop saying lame reasons dahil hindi na sa'kin gagana 'yan." Seryoso kong turan sa kaniya.

"H-Hindi ko 'yon ginusto, babe. P-Please, maniwala ka naman sa'kin." Literal na napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Seryoso ka? Hindi mo ginusto 'yong lagay na 'yon? Eh, halos gusto mo na ngang kunin 'yong labi no'ng kahalikan mo." Napataas ako ng boses dahil sa kaniya. Napakuyom na rin ako ng kamao dahil nagtitimpi na rin akong masampal siya, pero naaawa lang ako dahil ang dami niya ng pasa sa mukha.

Hindi ko maiwasang masura sa pagmumukha niya tuwing naaalala ko na naman 'yong nangyari. Bwiset.

"Bab-"

"You cannot manipulate me, your lame reasons is not gonna work on me." Pagputol ko sa pagtawag niya sa'kin. "Remember, hindi ako tanga at uto-uto. Twice mistakes are enough, your last chance is enough. Tama na, ayoko na." Seryosong sabi ko sa kaniya na may halong diin at nanghihina na rin ako habang sinasabi ko 'yon. Hindi niya ako mapapaikot sa makaluma niyang mga salita. Oo, mahal ko pa siya pero hindi ako magpapakatanga sa pagmamahal na 'yan.

Sobrang sakit isipin na 'yong taong inaakala mong makakasama mo na hanggang sa dulo ay siya pa palang wawasak sa'yo at sisira sa tiwalang binigay mo ng buong-buo.

The moment na sinabi niyang sinaktan niya ang sarili niya, hindi ako doon naniniwala. Sino namang tanga ang sasaktan ang sarili 'di ba? 'tapos siya pa mismo ang gumawa ng kabobohan niya?

Nagmakaawa pa siya sa'kin. Pero hindi talaga ako naniniwala sa kaniya. Hindi ko na kayang marinig pa ang kasinungalingan niya kaya naisipan kong tapusin na talaga ang lahat.

"Tama na, Paul. Kahit ano pang paliwanag mo, hindi na ako babalik sa'yo." Sabi ko sa kaniya habang nakatikom ang mga kamao ko. Nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko at feeling ko maiiyak na naman ako. Pero pinigilan ko 'yon para magpatuloy.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon