CHAPTER 40: NO DENIAL
Xyrianna Isabella's POV
Nagising ang diwa ko dahil sa mabigat na nararamdaman kong nakadagan sa'kin.
Sa pagkakaalam ko ay magagaan naman ang mga unan ko? unless, nilagyan ko 'yon ng bato.
Gising na ako pero nakapikit pa ang mga mata ko, kaya naman para makita ang nakadagan sa akin ay dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.
Pagdilat nang mata ko ay agad iyong nanlaki dahil sa nakita ko.
"Ave?" Sambit ko sa pangalan niya. Inalis ko ang kamay niyang nakadagan sa'kin pero parang robot 'yong kamay niya at pabalik-balik sa pwesto kung saan 'yon nakalagay.
"Hmm?" Tanging tugon niya at halatang inaantok pa. Nakapikit pa nga ang nga mata niya.
Nang tignan ko siya ng matagal sa mukha ay naalala ko bigla ang nangyari kagabi.
What the-
Bakit ko ginawa 'yon?!
Pero-
Bakit-
Bakit nagustuhan ko 'yon?
Sige, hindi ko idedeny.
Nagustuhan ko.
Pero-
A-Anong ibig-sabihin no'n?
Ibig sabihin... tama si Aki? na... b-bading na talaga ako?
"HALA?!" Napabangon ako de oras dahil sa tumatakbo sa isip ko. Natakpan ko pa ang bibig ko dahil sa hindi makapaniwalang lumalabas sa isip ko.
Hindi, hindi, hindi-
"Xyri? What happened to you?" Napatingin ulit ako kay Ave at mukha siyang nag-aalala sa'kin. Umiwas ako ng tingin dahil muli na namang pumasok sa utak ko ang ginawa ko kagabi.
"Haaayyy. Anong nangyayari?" Hinanap naman ng mata ko ang nagsalita.
Si Ali pala na kakagising lang. Hikab pa nga nang hikab.
Tinignan ko si Aki at Lucas. Ang himbing pa ng tulog nila.
"Xyri?" Tawag ulit sa'kin nitong katabi ko.
"Ha?" Wala sa sarili kong tugon.
"What happened to you? Binabangungot ka ba?" Tumingin ulit ako sa kaniya.
At naalala ko na naman.
Dali-dali akong umalis sa kama at tumakbo pababa.
"Xyri! Where are you going?"
Dumiretso agad ako sa banyo para mag hilamos.
"Ano bang pinag-iisip ko?!"
"Kainis!"
. . .
"Xy, tara na at kumain ng almusal!"
"Tara!" Sang-ayon ko. Gising na silang lahat kaya napagdesisyunan na naming kumain ng almusal. Alas nuebe na rin. Napaka Filipino time talaga nitong mga kaibigan ko.
Tapos na mag almusal ang pamilya ko pero kami mag aalmusal pa lang dahil si Aki at Lucas ay kani-kanina lang din nagising.
Pumunta na kaming dining area at medyo nagulat ako at ang daming pagkain sa hapag. Eh, lima lang naman kaming kakain.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomansaShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...