MHMIMP - CHAPTER 47

13.2K 326 67
                                    

CHAPTER 47: LATE NIGHT

Xyrianna Isabella's POV

Inuna akong ihatid ni Ave sa campus bago siya ulit umalis para ihatid 'yong Samuel na sinundo namin sa airport kanina. 

Hindi ko siya kilala pero ang uncomfortable ng feeling ko sa kaniya. 

Feeling ko may mangyayaring hindi ko magugustuhan. 

Pero naniniwala naman ako kay Ave, sa kaniya hindi. 

"Bakit naman tulala ka diyan? miss mo na ba agad si ma'am Rox? kalma ka lang diyan, baka may ginawa lang kaya hindi siya nakapasok ngayon." Nakita siguro ako ni Aki na nakapalumbaba at tulala. Hindi kasi pumasok si Ave ngayon. 

Bakit naman kasi ang tagal? sa ibang planeta pa ba siya nagpahatid? 

Nag text naman sa'kin si Ave na baka hindi na siya makapasok dahil may inasikaso pa siya about do'n sa Samuel na 'yon. 

"Alam ko kung bakit hindi siya pumasok ngayon," sabi ko. 

"Oh, alam mo naman pala eh, pero bakit tulala ka diyan?" tanong ni Aki. 

"Ano bang reason bakit siya hindi pumasok ngayon?" tanong naman ni Ali. 

At kinwento ko nga sa kanila 'yong nangyari, simula no'ng nasa airport kami hanggang sa mapadpad kami sa Campus. 

"Hala, ito na ba 'yong napapanood ko sa movie? na secretly married na pala siya tapos kabit ka lang?" sabi ni Aki at animo'y nag imagine pa nga. 

"Oh 'di kaya, siya talaga 'yong fiancé niya na nasa ibang bansa galing tapos uuwi na dito dahil nalaman siyang may iba 'yong babae tapos paghihiwalayin?" 

"Sige, tama 'yan, pag overthink-in niyo ako," singhal ko sa kanila. 

"Tama ka na kakanood ng series at movies, Aki." biro naman ni Ali. 

"Tsh, what if-" hindi niya na tinapos ang sasabihin niya nang samaan ko siya ng tingin. 

"Siguro naman friend niya lang 'yon at hindi niya lang talaga kabisado ang Pilipinas kaya nagpapasundo. Baka maligaw 'di ba?" salita naman ni Ali. 

Napatango-tango naman ako. 

May point siya. 

Hays, hindi na talaga ako mag-iisip ng kung ano-ano. 

 Nawala ang palumbaba ko nang biglang mag vibrate ang phone ko. 

Ave

+639*********

Don't forget your lunch, lovey.

Napangiti naman ako dahil sa text niya bago nag reply. 

Oum. Ikaw rin.

Mga anong oras ka pala babalik. 

Maybe afternoon. Nandito me right now sa house namin.

Ahhh. So, hindi niya na pala kasama 'yon. Nando'n na pala siya sa bahay nila ng parents niya. 

Okay, okay. Ingaaat!

I will. I love youuu!

I love you!

"Ang tatamis niyo naman." 

Napatay ko de oras ang phone ko dahil sa nagsalita. Si Aki pala na binabasa ang conversation namin ni Ave.

"Hoy, ang chismosa mo," sabi ko sa kaniya at naglaro na lang ng roblox habang naghihintay ng new subject. Last na subject na yun at lunch break na. 

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon