Trigger Warning: The said chapter contains escalating violence and described blood. Please do read at your own risk. Thank you.
CHAPTER 19: A DAY WITH HIM
Xyrianna Isabella's POV
"Xyri," Tawag ni Ave sa'kin. Siya lang naman ang tatawag sa'kin ngayon dahil 'yong tatlo ay busy na sa kahalikan nila. At siya lang ang nag-iisang tumatawag sa'kin niyan.
"I brought pizza, kakadeliver lang, let's eat first." Hays, mabuti naman. Akala ko buong gabi ako manonood ng mga naglalampungan dito eh.
"Okay, tara." Sabi ko at muntik pa akong sumubsob sa sahig dahil na out of balance ako. Mabuti na lang ay naagapan ako agad ni Ave at nasalo ako.
"Be careful. Medyo lasing ka na pala."
"Ikaw rin naman, ang baho mo."
"Don't worry, you smell bad as well."
Nag-asaran pa kami bago makaupo sa nakaikot na mga upuan. Pinabilog kasi ito kanina para raw mas maganda. Tinawag niya na rin 'yong iba naming mga kasama na kumain muna. Akala ko pa naman pizza lang ang dala, hindi lang pala 'yon ang pagkain. Mayroon ring spaghetti, cake, shanghai, at iba-iba pang desserts at makakain. Ang daming hinanda tapos wawalo lang kaming nandito. Dinaig pa nagpabirthday party.
Mayaman moments.
"Here, try this spaghetti. Masarap 'yan." Aniya at nilagyan ako ng spaghetti sa plato ko.
"Okay, salamat."
"Eat well." Mabait na usal niya at nakita ko pa siyang ngumiti.
Ang saya niya naman.
"You're such a sweet friend, Rox." Salita bigla ni ate Kapmuk habang kumakain ng cake. Hindi ko alam bakit may pagdiin pa siya sa word na friend. What's the big deal?
Siya lang ang nakaupo sa upuan ngayon dahil 'yong apat ay nasa sofa na naman at naglalampungan. 'yong jowa niya naman ay tahimik lang na kumakain sa tabi niya.
"Yes. But is that spaghetti really good?"
"Why don't you try it?"
"Ikuha mo nga me, I'll just have a taste."
"Use your damn hands, lazy mf."
"Ang damot mo naman. We're friends din naman, ah?"
"Shut up and just use your fucking spoon to get what you want to eat."
"Ang seryoso mo naman. Hey, I was just teasing you."
"Well, it's not funny."
Hindi na pinansin ulit ni Ave nang magdadadaldal pa ulit si ate Kapmuk dahil nagsandok na rin siya ng pagkain niya. Minsan ang hirap talagang sumama sa mga taong mayayaman at laking ibang bansa. Hindi mo alam, bigla na lang pala dudugo ilong mo sa kaka-english nila o 'di kaya gagastos ng sobra-sobra na akala mo isa sila sa pinakamayaman sa mundo-
Pero, what if?
Aish, Nevermind.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at tama nga siya, masarap nga ang spaghetti, medyo na-enjoy ko ang pagkain doon dahil masasarap naman ang lahat ng handa, lalo na 'yong shanghai.
Matapos naming kumain ay nagparty-party na naman ulit. May kantahan at sayawan. Ang ingay-ingay na ng condo ni ate Shy. Mabuti ay hindi walang nabubulabog sa kaingayan na nagmumula dito.
Hindi pa ako ulit sumasali sa sayawan nila, pero kapag nakikipag-cheers sila sa'kin ay umiinom naman ako. Mas naging hilo ako ngayon dahil marami-rami na rin ang mga nainom ko.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...