MHMIMP - CHAPTER 14

14.8K 433 98
                                    

CHAPTER 14: VISITOR

Xyrianna Isabella's POV

"Ang tagal mong nawala. Ano na namang pinagawa sa'yo ni ma'am Fontana?"

"Oo nga, at saktong may klase ka na ulit pinabalik?"

"Truth, ang sakit sa apdo."

Pinaulanan ba naman ako ng sandamakmak na tanong pagbalik ko. Tapos nagtataka pa sila bakit hingal na hingal ako. Ito kasing si Ave bigla akong pinag-iisip. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yong sinabi niya kanina. Sana lang ay makapag focus pa ako sa klase ngayon.

"Good afternoon, class." Nandito na ang prof namin ngayon at siya ang bumati sa amin.

"Good afternoon, ma'am."

Mabuti na lang ay nagawa kong makapag focus sa klase, Nag-discuss lang sa amin ang professor namin kaya mabilis na natapos ang klase. Hindi rin pala pumasok ang last instructor namin kaya maaga kaming uuwi ngayon. Wala naman na kaming gagawin eh. Mabuti nga walang task rin na pinapagawa sa akin ngayon.

"Uuwi na tayo 'no?" Tanong ni Ali sa amin.

"Yup, tara na-" Sabi ko na pinutol ni Lucas dahil nagsalita rin siya.

"Ayaw ko pa umuwi, tara sa cafeteria muna tayo tumambay." Sabi ni Lucas at inakbayan ako. Ako 'yong katabi niya kaya siguro ako 'yong naakbayan. 

"Tamang-tama hindi ka ulit namin nakasabay kahapon, Xy. Makakasama ka sa amin ngayon." Sang-ayon naman ni Akira. 

Wala akong choice. Gusto nila akong makasama, eh. Gusto ko rin naman silang makasama kaya sumang-ayon na rin ako. Minsan lang naman 'to. 

Umalis na kami sa building na pinapasukan namin at naglakad na papuntang cafeteria. 

Habang naglalakad kami ay may iba kaming nadadaanang estudyante na kumakausap sa amin kaya natagalan kami makapuntang cafeteria. 

Pagpunta namin doon ay hindi lang pala kami ang tatambay doon ngayon, may iba rin kaming kaklase na pumunta doon. 

"What do you want to eat, guys? my treat." Tanong ni Lucas.

"Naks, may budget tayo par, ah." Biro ni Akira.

"Of course, Bihira lang natin makasama si Xyrianna eh at dahil good mood ako, ililibre ko kayo." Nakangiting sabi ni Lucas at tumingin sa akin kaya nginitian ko siya pabalik. Scholar rin kasi dito si Akira at Lucas at katulad ko ay lumayo rin sila sa pamilya nila para ipagpatuloy ang pag-aaral dito. May kaya naman ang pamilya ni Lucas, pero ayaw niyang palaging umasa sa pamilya niya kaya ginagalingan niya sa pag-aaral dahil para makabawas na rin siya sa gastusin nila. Ito na lang rin ang pag-asa nila. 

"Naks naman. Anyway, spaghetti na lang sa akin tiyaka bottled water. Medyo busog pa ako sa kinain ko kaninang lunch, eh." Sabi ni Akira.

"Me, sandwich na lang and kahit anong drinks it's fine." Sabi naman ni Ali.

"Okay, okay. Ikaw Xy? Anong gusto mo?" Tanong ni Lucas sa akin. 

"Kung ano na lang order ni Ali," sagot ko at hindi na makatingin sa kanila dahil nakatingin na ako sa mga taong papunta sa table namin. 

"Oh- Ma'am Fontana, Good afternon po." Nakaalis na si Lucas para mag order kaya ang dalawa na lang na kasama ko ang dali-daling tumayo para batiin si Ave. Bakit ba palagi silang nagpapanic kapag nandiyan si Ave? 

Tinanguan lang sila ni Ave at nagpatuloy sa paglalakad. Kasama pala nila si Miss Raven, Vecca at Miss Buenavista.

"Hi, Xyrianna." Bati sa akin ni Scarianna. 

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon