MHMIMP - CHAPTER 36

13.5K 416 95
                                    

CHAPTER 36: CELEBRATING CHRISTMAS

Xyrianna Isabella's POV

Nandito na ako ngayon sa probinsya. Kauuwi ko lang kani-kanina. Maaga pa lang kasi ay bumyahe na ako para mabilis akong makarating. At mabilis nga akong nakarating. At saktong pagkadating ko ay naabutan kong gumagawa na ng salad ang mama ko. Si tito naman ay nagluluto na rin ng pancit. Mamaya daw ay lulutuin niya na ang spaghetti at gagawa na rin ng biko.

Marami pang gagawin kaya maganda ang pag-uwi ko ng mas maaga para na rin ay makatulong ako sa kanila sa pagluluto at pag-aayos. 

Ang mga kapatid ko ay nag de-decorate na rin ng bahay. Doon sila nakatoka eh. Magaling at malinis naman silang mag decorate kaya doon sila tinotoka ni mama. Ayaw rin kasi ng mga kapatid ko ang walang ginagawa. Gusto raw nila ay may ambag sila kahit papaano kahit wala naman talagang ambagan. 

Kami ay nagluluto at nag de-decorate pa lang, pero itong mga kapit-bahay namin nagcoconcert na. Actually kagabi pa daw maingay dito. May games nga daw mamaya para sa mga adults, kahapon daw kasi ang games ng mga bata.

"Ate, paki-tignan nga po if pantay ang pagkakalagay ko sa balloons." Tawag sa'kin bigla ni Janesy. Tinignan ko naman ang pinapatingin niya at nakita ko namang pantay ang mga balloons, kaya sinabi ko ito sa kaniya. 

"Okay ate, Thank you po."

"Okay."

Lumipas ang ilan pang mga oras. Marami na ang nagawa sa bahay. Nakaluto na sila ng spaghetti, pancit at biko. Marami pang lulutuin at niluluto na 'yon ng parents ko. Kasalukuyan naman akong inaayos ang lamesa namin para mailagay na 'yong mga handa. In-organize ko na rin ang mga prutas na ilalagay ko sa lamesa. Pupunta rin pala akong bayan para bumili ng cake.

"Ate, may bisita ka." biglang tawag naman sa'kin ni Genesis. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napataas ako ng kilay nang makita si Lucas sa harap ko.

Anong ginagawa nito dito?

"Lucas? Anong ginagawa mo dito?"

"Makikipasko. Nagpaalam na ako sa pamilya ko at pumayag naman sila." Kamot-ulong sagot ni Lucas. 

"Siraulo ka ba? Bakit mo namang naisipang makipasko dito, at paano mo nahanap ang bahay namin?"

"Tinanong ko kay Ali, hehe." sagot niya naman. Napapikit ako sa stress. Feeling ko hindi kapayapaan ang makukuha ko dito sa probinsiya. 

Kundi stress.

Please, lord. Kahit ngayon lang ay bigyan niyo po ako ng kapayapaan. 

Nang makita siya ng parents ko ay agad siyang nagpakilalang kaibigan at kaklase ko. Kaya naman pinatuloy siya dito ng parents ko. Binigyan niya kasi ng mga regalo, hindi matanggihan ng parents ko kasi pamasko nya daw iyon para sa kanila. 

"Ate, sino siya? manliligaw mo po?" Tanong ni Janesy sa'kin. 

"Kuya, ano pong pangalan mo?" Tanong naman ni Genesis kay Lucas. 

Sinasabi ko na nga ba. Lumalabas na naman ang pagka marites nitong mga kapatid ko.

"Si Lucas 'yan, kaibigan ko." Sagot ko. 

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon