CHAPTER 22: FIRST HOME
Xyrianna Isabella's POV
Late na kami nagising ni Ave dahil nga puyat kami kagabi. Kaya kumain muna kami ng breakfast sa bahay bago kami umalis. Ten o'clock na rin kami nakaalis kaya pagkarating namin ng mall ay nag lunch muna kami.
"Puyat pa more." Natatawang saad ko habang kumakain.
"It's your fault." Kunwaring seryosong saad niya.
Aba, nasisi pa ako?
"Wow, anong ginawa ko?" Nakataas kong kilay na tanong.
"Nagpuyat." Aniya at tumawa.
"Siraulo."
Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain at pagtapos no'n ay namili na talaga kami.
Damit lang naman ang binili ko para sa pamilya ko. Tiyaka, bumili na rin ako ng color of the day namin since dadalaw kami kay dad sa birthday ko. Every birthday ko ay pare-parehas kami ng suot na damit. At hindi ko alam kung bakit sinobrahan ko 'to ng isa. Nakakaguilty rin naman kasi kung hindi ko bibilhan si Ave, for sure kasi ay sasama siya doon.
Pero ano bang pakialam ko? desisyon niya kayang sumama.
Umiling-iling na lang ako at binigay na sa cashier ang bayad ko at ipinamili para mabalot na.
Nagkahiwalay kami ni Ave ng pinuntahan at nag-usap kami na magkikita na lang sa parking lot.
"Ang tagal naman no'n, baka pang isang bahay na ang biniling gamit, jusmiyo."
After thirty minutes ay finally, nandito na rin siya dala-dala ang isang katutak na paper bags. Hindi lang siya ang nagdala, may iba siyang kasamang nagbitbit ng mga ipinamili niya.
Tinulungan 'ata since hindi niya kayang bitbitin.
"Sinasabi ko na nga ba," Bulong ko.
Nang makalapit siya sa'kin ay kitang-kita ko ang mga naipamili niya. Karamihan ay mga galing sa mamahaling brand. Majority ang Dior at Balenciaga.
Mapapa "How to tell me you're hella rich without telling me you're rich" ka na lang talaga.
"Ang dami mo namang pinamili, saan mo naman gagamitin ang mga 'yan?" Tanong ko matapos naming malagay ang mga napamili sa loob ng sasakyan. Kaya naman pala Van ang dinala kasi maraming bibilhin. Mautak rin 'to eh.
"For tomorrow." Simpleng sagot niya at pinaandar na ang sasakyan.
"Eh? Ang dami naman. May charity event ka ba doon?"
"You have so many questions, what if kumain ka na lang diyan." Binigyan niya kasi ako ng paborito kong flavor ng Milktea. May dala siyang isang plastic kanina at binigay niya 'yon sa'kin. Nang makita ko ay naglalaman pala 'yon ng burgers at Milkteas.
"Masama na bang magtanong?" Inis kong singhal.
"No. But asking too many questions? yes. Especially, when I'm driving. Do you want us to be in trouble?" Normal niyang sagot sa'kin at tinignan ako. Hindi seryoso, pero hindi rin natutuwa. Iyong normal na tingin lang.
Hindi ko na lang siya kakausapin. Bahala siya diyan, nagtatanong lang naman 'yong tao eh!
Padabog akong naglalakad papasok sa loob ng bahay dala ang mga gamit ko. Simula nang sabihin niya sa'kin 'yon ay hindi ko na siya kinausap.
"Hey, why don't you talk to me anymore? What have I done again?" Hindi ko siya sinagot at naupo na lang ako ng sofa.
"Xyri, ano ba?" Parang naiirita na siya dahil sa tono ng boses niya. Wow, the audacity.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...