MHMIMP - CHAPTER 42

11.7K 366 43
                                    

CHAPTER 42: GOING BACK

Xyrianna Isabella's POV

"Ehhhh?!" Tanging reaction ko matapos makita ang laman ng red card na binigay sa'kin ni Ave.

Akala ko talaga, katulad lang 'to kela Ali na cash. Hindi pala.

Paano kasi, black card ba naman ang nakalagay doon.

"Grabe ka talaga magregalo eh 'no? 'yong siguradong mahihirapan ako palitan." Sabi ko kay Ave na kasalukuyang nag-aayos na ng ibang mga gamit niya. Uuwi na rin kasi siya bukas. At next week lang ay magsisimula na ang second semester namin. Kasabay niya palang umuwi sila Aki at Lucas. Isasabay na daw ni Ave bukas kasi good mood raw siya. Si Ali kasi ang kasabay kong umuwi, pero sa susunod na araw pa ako uuwi.

Ewan ko ba diyan, sobrang good mood magmula paggising namin kahapon. Minsan nga, nahuhuli ko siyang biglang magtatakip nalang ng bibig, kasi kinikilig na. Siraulo na yata.

Pero ayon nga, good mood siya. Sa sobrang good mood niya nga, nilibre niya pa ng lunch 'yong mga kapit bahay namin kahapon. As in, ang ingay dito kahapon dahil sa dami ng tao, halos lahat ng taong napapadaan dito ay pinaaabutan niya ng maraming pagkain. Pinapunta niya dito 'yong mga chefs at mga cook niya para sila ang magluto at handaan sila ng pagkain.

Kung taga dito lang siya ay baka magmukha na siyang tatakbo bilang kandidato sa pagkamayora dito.

Tuwang-tuwa 'yong mga kapit-bahay namin sa kaniya, eh. Lahat ng mapapadaan dito ay napapangiti sa kaniya. Yung iba, sinasadya na lang yatang dumaan dito sa'min kasi gusto makita 'tong isa na wagas makangiti rin.

"You are aware that when it comes to the presents that I give you, I don't expect anything in return. You don't have to give me something that can match what I give you because I purposely gave it to you with all my heart but, if you really want to do that. Maybe that can be exchanged with a kiss."

Akala ko pa naman seryoso na siya sa mga pinagsasabi niya. Okay na sana kaso sinamahan niya ng kalokohan.

"I'm serious, Xyri."

"Sabi mo nga."

"So, where's my kiss?"

"Siraulo. Mag-ayos kana ng mga gamit mo diyan. Magluluto na muna ako ng pang gabihan natin." Pagbabago ko sa usapan. Ewan ko ba, dati naman ay wala lang sa'kin 'yang mga ganyang kalokohan niyang pinagsasabi. Ngayon, parang gusto ko ng patulan. Pero para natigil 'yon ay lalayasan ko nalang muna siya.

Baka kasi ay 'pag pinilit niya ako pumayag talaga ako.

Ay, ang landi!

Erase! Erase!

"Ang damot, kiss lang naman, eh." At nagdadabog na nga po siya.

Makaalis na nga.

Tuluyan ko na siyang iniwan sa baba at nagluto na ng makakain.

Tinanong ko muna sila kung anong gusto nila. Sabi nila, kahit ano daw. Lutuan ko Kaya ang mga 'to ng prito na bato at sinigang na lupa.

Joke.

Prito at sinigang ang gusto nilang ulam. Dahil mabait ako, lulutuan ko pa sila ng kare-kare.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon