MHMIMP - CHAPTER 15

14.1K 434 152
                                    

CHAPTER 15: SLEEPOVER

Xyrianna Isabella's POV

"Who is he, Xyri?" Hindi niya manlang hinayaang makasagot si Paul dahil pinuntahan niya na agad ako para tanungin.

"Siya si Paul, boyfriend ko." Sagot ko, "Paul, tara dito." Tawag ko kay Paul. Lumapit naman siya sa'kin. 

"Ave, this is Paul." Pormal na pagpapakilala ko kay Paul. Hindi nag respond si Ave, pero tinignan niya naman ito mula ulo hanggang paa. Magkasing-tangkad lang pala silang dalawa or mas matangkad pa kaunti si Ave? Hindi ko naman kasi mawari saan nagmana itong babaeng 'to at ubod ng tangkad. 

"Paul, She's Ave. She's my housemate and my friend." Pagpapakilala ko naman kay Ave. 

"Hello, Miss Av-"

"Call me Roxiette." Pagputol sa kaniya ni Ave at seryoso ng nakatingin sa kaniya. Tumango naman si Paul bilang pag sang-ayon. 

Pagkatapos ko silang ipakilala sa isa't isa ay nagpaalam bigla sa akin si Ave na aakyat muna daw siya sa kwarto niya.

"Xyri, akyat na muna ako sa room ko."

"Sige, sige."

"Tell me, if you need something." Sabi niya. Tumango naman ako. Pagtapos no'n ay umakyat na siya.

"Paul, hindi pala movie 'yong wednesday, series pala." Pagtatama ko kay Paul bago ipagpatuloy ang panonood namin.

"Okay lang 'yan, babe. Ang importante ay mahalaga. Hahaha!" Halakhak niya.

"Loko, haha. Tara, nood na tayo ulit." Aya ko sa kaniya.

Inabot na kami ng gabi sa panonood ng Wednesday. Pero dalawa pa lang ang natatapos namin. Tinigil na muna namin ang panonood dahil magluluto na ako ng kakainin namin. 

"Anong ulam gusto mo, Paul?" Tanong ko sa boyfriend ko.

"Lahat naman ng luto mo masarap eh. Kahit ano na lang, babe." sagot niya.

"Tch, bolero!"

Nag-asaran pa kami saglit bago ako pumunta ng kusina para magluto. 

. . .

Natapos na akong magluto kaya inaya ko ng kumain si Paul. Pero hindi ko maaya si Ave kasi hindi pa siya bumababa. 

"Tawagin ko ba siya?" Tanong ni Paul.

"Hindi na, ako na lang." Baka magalit pa sa'kin si Ave if papasukin ko bigla si Paul sa kwarto niya. 

"Sige. Hintayin ko na lang kayo dito." 

"Sige. Wait lang, tatawagin ko lang siya." Paalam ko at dumiretso na akong umakyat para tawagin si Ave.

Kumatok muna ako at tinawag siya sa harap ng pintuan ng kwarto niya. 

"Ave? Ave? Kakain na." 

Pero wala talagang sumasagot kaya binuksan ko na 'yong pintuan niya. Tinanggal naman na 'yong rules na 'to eh na bawal pumasok sa room ng iba.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang natutulog na si pandang payatot. Nakatagilid siyang natutulog kaya mabilis kong nalaman na natutulog siya dahil kitang-kita ko ang nakapikit niyang mga mata at yakap-yakap rin niya 'yong katabi niyang panda. 

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon