MHMIMP - SPECIAL CHAPTER

13.4K 215 23
                                    

SPECIAL CHAPTER: LOVE IN DISGUISE

“Love cannot be forced. Love no longer exists when we force it. Wait for someone who will truly love you without making you feel obliged to do so."

Akira's POV

Gusto ko siya. Gustong-gusto.

Actually after ng isang buwan na pagkakakilala namin ay umamin rin ako agad sa kaniya. Walang nakakaalam no'n kundi kami lang dalawa.

Hindi ko rin alam kung paano ako nagkagusto sa kaniya. Inaamin ko naman na tinatago ko talaga ang pagiging bisexual ko, akala nga palagi ng iba, straight talaga ako, pero may tinatagong kabadingan pala.

Ayun, nabading na sa kaniya.

At hindi ko ine-expect na mutual pala kami.

Akala ko talaga ay okay kami, na pwede maging kami. Pero, hindi pala. Ang dami kong hindi alam. Matagal na din kaming magkakilala, ilang months na rin.

Pero siguro nga, baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

Love cannot be forced. Because if we force it, it's not love anymore. Masasaktan lang kami pareho kapag pinilit namin. Ayoko namang mangyari 'yon, kaya gusto ko ay may malinaw siyang sagot. I want an assurance, kasi ako, handa kong gawin 'yon para sa kaniya, kasi siya lang naman, eh.

Siya lang.

"Brianna, ano na? Bakit hindi ka makapagsalita diyan? Pipe ka na ba?" Ayos na kasi kami eh, ayos na ang lahat.

Until bumalik 'yong walang hiyang ex niya. Ginulo na naman ang isip niya. Naging confused na naman siya sa nararamdaman niya.

Pangalawang beses na 'tong nangyari. No'ng unang beses ay pinagbigyan ko pa siya, ewan ko nalang ngayon.

Depende sa dahilan niya.

Depende sa sagot niya.

Nauubusan na ako ng pasensya sa katahimikan niya.

"Brianna, tinatanong kita, kung sigurado ka na ba talaga sa'kin or confused ka na naman? Sumagot ka naman, please lang." Muling tanong ko. Gusto ko lang naman ng kasagutan. Mahirap ba 'yon sagutin?

"I-I'm sorry, Aki." Lumukot ang mukha ko dahil sa narinig. Makikita rin sa mukha niya ang sari-saring emosyon. Hindi ko maipinta.

Napabuntong hininga ako.

Well I guess, hindi na naman ako ang pinili.

"Yeah, okay." Ayun na lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Aki, I tried. Gusto kita pero-"

"Pero mahal mo siya, gano'n ba?" Paglilinaw ko. Kahit kumikirot na ang puso ko ay pinipilit ko pa ring hindi maging mahina sa harap niya. Pero sa totoo lang, gusto ko ng umiyak at magwala dito.

Ano ba kasi ang mali sa'kin at bakit hirap na hirap siyang piliin ako?

Sakit, putangina.

"Aalis na ako," malamig na paalam ko sa kaniya pero natigil ako nang hawakan niya bigla ang kanang braso ko.

"Aki, last na promise. Titignan ko na talaga last na 'to, I swear. Give me a chance, please. I mean, nalilito na naman kasi talaga ako. I'm so sorry. But, I want to check it for the last time."

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon