MHMIMP - CHAPTER 33

11.7K 400 86
                                    

CHAPTER 33: CONFESSION

Xyrianna Isabella's POV

"Tang... i... na..."

"Oh, ang crunchy naman niyang mura mo? Nakita mo lang 'yong laman, nagmumura ka na diyan. Ano bang lama-"

"Halaaaaa? tulip necklace! Ang gandaaaa!"

"I-Ito 'yong rare diamond necklace na willing akong ibenta buong buhay ko, makuha ko lang 'to."

"Xy? Sino nagbigay niyo sa'yo? Ang swerte mo namannn!"

"Xyyy?"

"Xy, ang ganda ng gift sa'yo ah? sino nag gift nito sa'yo? Milyon-milyon ang halaga nito, gagi kaaa."

"Tapos galing pang ibang bansa. Ang effort. Siguro crush ka ng nagregalo sa'yo nito."

"Kaya nga, ang swerte mo naman. Ano bang sabon mo, bestie? Baka sakaling magkaroon rin ako ng magreregalo sa'kin nito."

"Aba, kung ako 'yon, luluhuran ko na siya agad kapag binigyan niya ako niyan!"

"Same Aki, same! Nako, nako!"

"Teka, bakit parang sabog yata si Xy ngayon? Hindi tayo pinapansin ah?"

"For the snob tayo ni Xyrianna."

"Xy, anyare sa'yo? Uy, pansinin mo naman kami!"

"Xy!"

"Xyrianna!"

"Xyrianna Isabella!!"

"XYRIANNA ISABELLA ALKARAZ!!!"

Nabalik ako sa reality nang biglang isigaw ni Aki ang buong pangalan ko.

"Ha? A-Anong meron?"

"Anong nangyayari, bakit niyo ako sinisigawan?" Gulat na tanong ko.

Lutang akong tumingin sa kanila pati na rin sa ibang taong nakatingin na rin sa'min.

Anong nangyari?

Nasabog ba ako after kong basahin 'yong nakasulat sa sobre?

Na sulat ni Ave?!

Potek, ano ba kasi 'yon, hindi pa rin talaga nag popop-up sa utak ko.

Gusto niya ba ako?

P-Paano?

HUHHHHHHHHHH?!?!?!?!?!

"Oh, nasasabog ka na naman? Ano bang nangyayari sa'yong babaita ka?"

"What's happening here?" Rinig kong biglang tanong ng pamilyar na boses. Alam kong nakatanga na naman ako ngayon, pero this time, naririnig ko ang usapan nila. Sadyang mukhang tanga lang siguro ako ngayon, or natatanga na talaga.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon