MHMIMP - CHAPTER 03

22K 624 207
                                    

CHAPTER 3: CONTRACT

Xyrianna Isabella's POV

Nandito ako sa kwarto ko, inaayos na ang requirements ko dahil ipapasa ko na 'to next week. Next month na rin kasi ang pasukan namin, kaya kailangan ko ng maging ready.

"Hey, little monkey, go outside your room! Let's talk!" Biglang tawag no'ng pandang maputi at kinakalampag ang pinto ko.

Ano?! Little monkey? Mukha ba akong unggoy?!

Kahit kailan talaga nakakainis na siya!

"Ayaw ko nga!" Sigaw na sagot ko.

"It is important!"

"Wala akong pake!" bwelta ko.

"Bilis na! Dalian mo! Kapag hindi ka lumabas diyan, hindi ka na makakalabas kahit kailan, ikukulong kita!"

Medyo natakot naman ako doon, kaya padabog tuloy akong lumabas.

"Ano ba kasi 'yo-" Agad na nanlaki ang mata ako, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa naging posisyon namin ngayon. Bigla ring naging doble ang pagtibok ng puso ko dahil doon. Malapit na kasi kaming mag kiss for heaven's sake! Dahil nasa gilid na ng labi ko ang labi niya! Kahit siya ay hindi na rin makagalaw ngayon.

Bakit kasi ang lapit niya sa pintuan?!

Kinse segundo kaming nanatili sa gano'ng posisyon at ako na ang kusang naglayo sa mga mukha namin.

Inayos ko ang postura ko bago tumingin sa kaniya as if nothing happened at gano'n din ang ginawa niya.

"A-Ano ba 'yong pag uusapan?" Shit, bakit ako nautal?!

"A-Ahh Haha! We'll talk about our rules and deals, l-let's go downstairs," nauutal niyang sagot at agad na nag-iwas ng tingin.

Nauna na siyang bumaba at sinundan ko naman siya. Pumunta kami ng living room at sabay na umupo, nakita ko naman ang bahagyang pagtaas ng kilay niya.

"Ang layo mo naman, come here." Utos niya at pinagpag ang part kung saan ako uupo.

Sa tabi niya? Ayoko nga.

"Okay na ako dito," sabi ko.

"Hindi tayo magkakaintindihan kung nasa malayo ka, I don't want to shout." Mahinahong sabi niya. Mukhang ayaw makipagtalo ngayon kaya sinunod ko nalang ang gusto niya.

Tumango-tango naman siya at may binigay siya sa'king papel. "Okay, read this and after that, I'll discuss about it."

"Okay."

Kinuha ko ang papel sa kaniya at for me okay naman may konting idadagdag lang ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinuha ko ang papel sa kaniya at for me okay naman may konting idadagdag lang ako.

"Yeah, maglagay ka rin ng sa'yo diyan, para fair." Sabi niya at tila nabasa ang nasa isip ko, tumango-tango naman ako bilang pag sang-ayon. "Here's the pen," Abot niya ng ballpen sa'kin. "Put your name below after and put a signature above your name."

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon