MHMIMP - CHAPTER 21

14.4K 435 183
                                    

CHAPTER 21: TREAT

Xyrianna Isabella's POV

Hayyy.

Naging madugo ang araw na 'to.

Este, no'ng utak namin.

Kakatapos lang kasi namin sa midterm exam saktong-sakto ngayong araw.

"Grabe, ang hihirap ng exam puro essays."

"Mas okay pa sa'kin identification eh, naiiyak ako sa multiple choices."

"Sa'kin both mahirap, sarap magdabog."

Pagrarant ng tatlo sa harap ko. Actually, no'ng unang araw ng exam pa sila nagdadabog, kesyo mahirap daw 'yong exam pero natapos naman nila lahat. Wala pa nga 'yong bell tapos na sila.

Astig rin ng mga 'to eh.

"I know you had a hard time with your exam this week, because of that I'm going to treat you to a restaurant. Eat all you can and don't worry, it's on me." Isang magandang annoucement ang bumungad sa'min habang nag-aayos kami ng gamit namin.

Alam ko kung kaninong boses 'yon. Siya lang naman ang huling nagpa-exam sa'min eh.

Si Doc. Roxiette Avegayle Fontana.

Wala lang, gusto ko lang banggitin whole name niya.

Ang ganda ng pangalan niya, kaso hindi ugali eh.

Half half lang.

"I'll wait for you there." Sabi niya sa'min. Tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya. May malapit na resto kasi rito sa university namin kaya for sure doon lang din kami kakain. Pero masyado kaming marami para doon? Paano 'yon, baka maubusan kami ng pwesto?

Nang mawala na ang instructor namin na si Ave ay rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.

"Hala, ang bait naman ni ma'am."

"Oo nga may palibre, sana all."

"Hindi naman siya ganyan last year, ah? Naging professor ko rin kaya siya." Biglang birit ni Angela sa mga kaklase ko.

"Ay, bumalik ka pala?" Bigla namang tanong ng katabi niya.

"Oo, hindi ako nakapasok sa subject niya dati dahil may pasok ako sa trabaho. Pero balita ko, wala naman daw siyang nililibreng mga naging estudyante niya after ng exam."

"Ay gano'n? Baka nasa mood lang si ma'am, kaya trip niyang manlibre."

"Oh 'di kaya, may boyfriend na siya at masaya siya dahil doon kaya ililibre tayo?"

"Baka nga. HAHAHAHAHA!"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Nagtawanan sila sa mga naiisip nila at kung ano ano pang what if ang pumapasok sa isip nila. Mga chismosang 'to.

Pero anong sabi nila?

Boyfriend?

Possible, bading kaya siya.

Sabi niya pa nga niya na hindi daw siya pumapatol sa lalaki. Siguro pag chismis nila na may girlfriend siya, doon pa ako makukumbinsi.

Hindi rin nagtagal ang pagchichismisan nila at nag-ayos na rin sila ng gamit. Baka daw kasi magbago ang isip ni Ave kapag nagtagal pa sila dito.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon