MHMIMP - CHAPTER 50

12.6K 344 33
                                    

CHAPTER 50: SURPRISE BIRTHDAY

Xyrianna Isabella's POV

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang hingal na hingal na tumatakbo papalapit sa'kin si Akira kanina.

As in nagpapanic siya.

Masyado niya akong minamadali sa pagpili ng mga bibilhin ko.

Uwing-uwi na yata 'tong isang 'to. Pero parang kanina lang ay excited siya na mag-mall kami?

Bumibili kasi ako ng perfume ko dahil naubos na 'yong ginagamit ko.

At bibili rin ako ng regalo para kay Ave dahil birthday niya bukas. Kahit na wala ang celebrant ay gusto ko pa ring i-celebrate ang birthday niya at bigyan siya ng regalo.

Ibibigay ko na lang iyon once na bumalik na siya, kasama ng mga regalo ko no'ng mga monthsary namin.

Biruin niyo 'yon, isang taon na pala kaming magkasama sa iisang bubong?

Naalala ko tuloy no'ng una naming pagkikita.

Yung itsura niya no'n mukha siyang gangster na pinalayas sa bahay nila. Well, expensive gangster gano'n dahil hindi siya matatawag na gangster sa kanto dahil sa kintab ng kutis, at mukhang koreanang balat. Sobra niya kasing puti, at yung suot niya ay bagay naman sa kaniya. Mukha nga siyang cosplayer na ewan.

Tapos napagkamalan ko pa siyang seller ng bahay.

Well, mukha naman kasing seller siya.

Joke.

Pero, ayun pala, nauto kami ng totoong seller.

Pangdalawahan pala 'tong bahay na 'to.

Malaki naman kasi, kung tutuusin ay kasya pa dito ang benteng tao dahil malaki-laki rin. Maluwag pa sa'min 'to nila Ali at Aki.

Naalala ko rin no'ng inaya nila akong isamang i-celebrate ang birthday ni Ave. Akala ko talaga, nandoon lang sila para manggulo sa bahay, ayun pala, may nag c-celebrate ng birthday.

Nainis ako sa kaniya that time kasi ayoko ng ingay, at makalat dahil nag-aaral pa ako, gusto ko ng payapang buhay. Akala ko rin noon, literal na tambay lang siya, yung tipong walang magawa sa buhay kundi mambulakbol. Iyon pala, mas mataas na ang narating.

Lowkey ang person.

Gulat na lang ako nang makitang nasa harap ko na siya, at nagtuturo.

Professor ko pala ang isang 'to.

Dalawa lang 'yan sa memorable na pagsasama namin.

Nagsama kasi ang may love language ng physical attack kapag strangers ang kabardagulan.

Pero ngayon, sobrang gentle niya na sa'kin.

Napahinga na naman ako ng malalim.

Mi—

"Miss mo na 'no? Huwag kang mag-alala, makikita mo na rin 'yon." Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Aki pala na nakatingin sa'kin.

Kanina pa ba ako nito tinitignan?

"Paano mo naman nasabi 'yan?" Tanong ko.

"Hula ko lang. HAHAHAHA! By the way, dalian mo na at nagugutom na ako, Jabi tayo!" Halakhak niya.

Napakibit-balikat na lang ako sa kaweirduhan niya at namili na ng bibilhin na regalo kay Ave.

After kong makapili ay binayaran ko na sa cashier at dumiretso na kaming Jollibee.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon