MHMIMP - CHAPTER 35

13.3K 406 85
                                    

CHAPTER 35: CAROLING

Xyrianna Isabella's POV

"Xyri, I want you to meet my mom. Here she is." Sabi ni Ave habang papalapit sa'min 'yong isang magandang babae na akala mo ay kambal lang ni Ave. Mas matangkad nga lang si Ave kaysa sa kaniya.

Mukha kasing dalaga ang mom niya, parang nasa two to three years lang ang gap nila.

"H-Hello po." Nahihiyang bati ko nang makarating na siya. Nakangiti lang sa'kin 'yong mom ni Ave at hindi ko alam kung bakit.

"Hi, hija. You're so pretty." Nakangiting tugon niya sa'kin.

"Thank you, po. Ikaw rin po." Magalang na sagot ko. Sa totoo lang, medyo hawig ni Ave ang mother niya. Kuhang-kuha niya 'yong mata at labi niya, parehas silang maganda.

"Mom, this is Xyrianna Isabella. My housemate slash student and someone's future wife." Nakangiting pagpapakilala niya sa'kin.

"And who's that lucky someone, huh?" Biro ng mom ni Ave.

"By the way mom, I changed my name to someone."

Siraulo talaga.

At kailan ako pumayag na magiging asawa niya ako?

Dumidesisyon na siya, ah.

"Oh... She's your lover? You didn't tell me about it, Avy." Parang hindi makapaniwalang tanong ng mom ni Ave. Gulat na gulat.

So, Avy pala ang tawag ng mom niya sa kaniya.

"Not yet, mom. But, she's the only one I am referring to yo-" Sagot ni Ave.

"Ay, hindi po. Huwag po kayo maniwala diyan, Mrs. Fontana. Nagjo-joke time lang po 'yan, Hehe." Salungat na saad ko sa mother niya.

"It seems like she doesn't like you, anak. Kawawa naman ikaw, honey." Pang-aasar ng mom niya. Halatang mahilig ding mang-asar. Kaya naman pala mapang-asar 'yong anak.

"Mom! Who's your daughter here?!" Inis na sininghalan ni Ave si Mrs. Fontana. Tignan mo 'to magkaugali lang naman sila pero ang pikunin.

By the way, deserve. Hahahahaha!

"Nagtatampo naman 'to agad. Syempre naman ikaw, you are my one and only daughter." Sagot agad ng mother ni Ave at nilalambing niya na 'yong anak niyang nag-iisip bata.

"But, I won't whine if you want her to be your daughter, too." Biglang ngisi niya sa'kin.

Parang kanina nagdadabog lang ah, tapos ngayon pumapayag naman. Gulo niya sa part na 'yan.

Palihim ko lang siyang inirapan. Ang taas talaga ng confident nitong babaeng 'to. Palibhasa, halatang spoiled ng parents.

Bumalik na kami sa dining area at baka hinahanap na rin ako ng mga kaibigan ko. Medyo natagalan ako dito sa pagkausap sa kanila. Si Ave naman kasi, ang daming alam. But anyway, nag-enjoy naman ako.

Bago ako umalis ay binulungan ako ni tita na welcome to family daw. Parang ewan kasi 'tong si Ave eh, nahiya tuloy ako lalo. Tapos tita na daw ang itawag ko sa kaniya or much better kung mommy rin. Grabe talaga, hindi ko kinakaya. Alam na alam agad kung saan nagmamana 'tong anak eh.

Tapos tinanong niya rin ako kung anong pwedeng itawag niya sa'kin, sabi ko naman kahit ano na lang, pumayag naman siya agad. At ayon, doon nagtapos ang conversation namin.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon