CHAPTER 12: FRIENEMY
Roxiette Avegayle's POV
I didn't go home right away because I waited for her na makasakay ng sasakyan. I thought of going home naman, but nangingibabaw ang pagka worried ko sa kaniya because it's late and our house is quite far from the University.
That's also one of the reason kung bakit ipinahatid ko siya kanina gamit ang service car ko para hindi na rin sa kaniya hassle. Ngayong pag uwi naman ay ayaw niya ng sumakay dahil galit yata siya sakin, kaya naisipan ko na lang na sundan na lang siya at sumabay sa kaniyang umuwi gamit ang magkaibang sasakyan. It's good to know that she didn't notice me.
Now that we got to the front of the house, she noticed someone behind her and she knew it was me so she turned to face me at kitang-kita ko ang pagdidilim ng paningin niya sa'kin.
Uh-oh?
"Pandang payatot, saan ka ba nag punta at naunahan pa kitang makauwi?!" Inis niyang singhal sa akin. Nag-uusok na ang ilong niya dahil sa frustration niya ngayon.
Hindi ko alam kung ano pang nangyari kung bakit parang hindi lang ako ang dahilan ng stress niya?
"And who told you na umuwi agad ako?" Sagot ko naman sa kaniya pabalik.
"So, saan ka ba nagpunta?" Nauubusan niyang pasensyang tanong.
What's wrong with her?
"And why do you care?" Sungit-sungitan ko.
"Dahil ine-expect ko na uuwi ka na para buksan 'tong bahay!" Sagot niya ng medyo pasigaw. She's glaring at me right now and feeling ko anytime ay bubugahan niya na ako ng apoy rito. She turned back again para buksan na ang naka lock na gate. Pinaalis ko siya para ako na lang sana ang magbukas, pero kinabig niya lang ako. Kaya hinayaan ko na lang na siya na ang magbukas.
"Just give me your laptop bag instead," Suggestion ko para hindi na siya mahirapan masyado. May bitbit pa kasi siyang laptop, unang araw pa lang ng klase super prepared na.
"Hindi na!" I guess, galit nga talaga siya sa'kin?
Parang nakakapagsisi naman na sinurpresa ko siya?
Surprise gone wrong successfully.
When she finally opened the gate, may panibagong pinto na naman siyang bubuksan and that's the main door. Inunahan ko na siyang maglakad at ako na ang nagbukas no'n. Pumasok na kami sa loob at ramdam na ramdam ko ang init ng ulo niya at pagod. But in fairness, super gentle niya sa mga gamit niya, hindi niya dinadamay sa galit niya.
I saw her went to the living room, sat on the couch and probably rest there. And because I didn't want to increase her anger towards me, I just went straight to my room and rested there.
I woke up at exactly eleven thirty in the evening. I didn't realize na nakatulog pala ako. I got up and went downstairs to cook because my stomach was growling. Hindi pa nga rin ako nakakapag-shower dahil nakatulog ako.
I didn't know why I was in front of Xyri who was peacefully sleeping in the living room right now.
I supposed to go to kitchen, right? Buit, why am I here?
She obviously fell asleep habang ginagawa 'tong-
"What is this?" Tinignan ko kung anong nakalagay sa laptop niya at naningkit ang mata ko sa dami ng nakaopen na files.
"Oh, the master lists." Gumagawa pala siya ng attendance for the first semester. Ang alam ko ako lang ang nagpagawa sa kaniya nito, pero bakit may apat pa?
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...