CHAPTER 29: SILLY HER
Xyrianna Isabella's POV
Kinabukasan ay pumunta nga talaga kami sa bilihan ng street foods. Hindi niya talaga iyon kinalimutan.
Paano, umaang-umaga, ginising agad ako para bumili kami. Pero hindi kami bumili ng luto, 'yong naka pack 'yong binili namin kasi para lutuin daw mamayang lunch.
Sinabi ko kasi sa kaniya na pwede 'yon ulamin. Sabi niya naman, itatry niya daw na ulamin namin 'yon.
Loko talaga eh, kung lason kaya ipaulam ko dito, uulamin niya kaya?
Charot.
"Xy, gumawa ka na ng reviewer?" Tanong ni Aki sa'kin. Final exam na kasi namin next week, kaya siguro tinatanong niya, kasi hihingi na naman siguro siya sa'kin ng copy.
"Ay hala, oo nga. May exam na pala tayo next week." Sabi naman ni Ali.
"Hindi pa. Kayo, may reviewer na ba?" Tanong ko.
"HAHAHAHAHAHAHA! syempre... wala pa!" Halakhak ni Aki na tinawanan rin naming tatlo. Siraulo.
"Same. Pahingi sana ako ng copy. AHAHAHAHAHA!" Tawa naman ni Ali.
"Malapit na rin pala mag pasko. Pamasko ko, ah?" Dagdag pa niya. Anong maaga? December four pa lang naman. Pero sabagay, mabilis rin naman ang takbo ng oras, ilang kurap mo lang, pasko na naman.
"Pinapatawad na agad kita, beh."
"Sakit mo naman, Aki!"
"What if mangaroling tayo?" Biglang suggestion ni Lucas. Nagsitinginan naman kami sa kaniya. Lalakas ng tama ng mga 'to, oh.
"Luh? Oo nga 'no?"
"Loko, mga bata pa ba tayo? Pambata na lang 'yang caroling caroling na 'yan." Saad ko sa kanila. Kung ano-ano na lang kasing kalokohang iniisip.
"Luh. Walang gano'n, Xy. Basta may opportunity magkapera. I-go natin. Hahahahaha! Wala sa edad 'yan, at tiyaka may nakikita kaya akong mga matatandang nangangaroling!" Paliwanag ni Aki. Ayan, kapag kalokohan talaga nagkakasundo sila ni Lucas, pero sa ibang bagay kulang na lang magsaksakan.
"Sa malalaking bahay tayo mangaroling. Para isang kanta, isang libo kaagad!" Masiglang suggestion ni Aki. Hay nako, jusko.
"Asa ka naman diyan, Aki. Hindi lahat ng mayaman, malaki rin magbigay. Minsan, sila pa 'yong mas kuripot."
Hindi ako makarelate sa sinasabi nila, never pa kasi ako nangaroling sa buong buhay ko.
"Okay lang kahit one hundred ibigay nila, atleast may ibigay."
"Huwag, dapat maglagay tayo ng five hundred ang minimum o di kaya isang libo na."
"Siraulo ka talaga, Lucas! HAHAHAHA! pero may point ka."
"Ang laki-laki na natin tapos titipirin pa rin tayo? Grabe naman sila. Charot! HAHAHAHAHA!"
Napatampal na lang ako sa noo ko dahil sa mga naririnig ko sa kanila.
"May point k-aray naman! Bakit nambabatok 'to si Xy?"
"Oo nga. Sakit mo, ah?"
"OA niyo naman, ang hina lang kaya no'n!"
"Hindi kaya! ang sakit oh!"
Pinagbabatukan ko kasi sila kasi kung ano-ano na namang kalokohan ang pinag-iisip. Minsan pa naman tinutupad talaga nila 'yang mga pinagsasabi nila.
Patuloy pa silang nag-usap doon pero hindi ko na sila pinansin. Nag advance reading na lang ako habang hinihintay 'yong susunod na Professor namin, pero naghintay lang kami sa wala dahil hindi naman pala siya darating kasi nasa meeting daw siya.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...