MHMIMP - CHAPTER 53

13.7K 271 81
                                    

CHAPTER 53: PLIGHT ONE'S TROTH

Xyrianna Isabella's POV

"CONGRATULATIONS GRADUATES! CHEERS!"

"CHEERS!"

Kakatapos lang ng graduation ceremony namin at nandito kami ngayon sa bahay—mansion nila Ave para sa big celebration. Actually, small celebration lang ang nasa plano, pero ginawang big party dahil sakto ang pag-uwi nila mom and dad—I mean, parents ni Ave. Until now, nahihiya pa rin ako na tawagin sila niyan pero hinahayaan ko na lang muna 'tong hiya ko hanggang sa masanay ako dahil baka pagbawalan na naman kami sa relasyon namin de oras kapag pinilit kong Mrs at Mr. ang itawag sa kanila. Ayaw na kasi nila na tawagin ko silang gano'n since miyembro naman na ako ng pamilya.

Kaya mas maganda ng maging masunurin.

Pero kinilig talaga ako sa part na sinabi nilang part na ako ng pamilya. Parang tuloy kakakasal lang namin.

But anyway, marami ang inimbita nila. Hindi lang mga classmates namin kundi pati mga kaibigan namin, at kasama na rin ang pamilya ko. Sobrang tuwa ko nang malaman kong pupunta rin dito sila mama, ito naman kasi ang isa sa mga wish ko, ang i-celebrate ang graduation ko na kasama ang pamilya ko. 

Sobra-sobra na 'yong binibigay ni lord sa'kin, baka mamaya bigla niya na akong kunin, ah—charot! charot lang, lord. Huwag po ngayon, hindi pa ako handa.

"Congrats, love. You did it. I'm the proudest," bati ni Ave sa'kin at walang pagdadalawang isip na halikan ako sa labi. 

Sa harapan pa talaga ng mga magulang ko. Well, pwede niya naman akong i-kiss, pero huwag naman sa harap ng parents ko, shytype na tuloy ako. 

"Why are you blushing, baby?"

"W-Wala," sabi ko na lang. 

"Respeto naman po sa single diyan, nasa harapan niyo lang talaga ako, baka naman get a room na lang," hirit bigla ni Akira dahilan para matawa ako. 

"Weh? single daw, hindi ka lang sinipot ng girlfriend mo, eh." Pang-aasar ko naman sa kaniya. 

"Hoy, excuse me! wala akong girlfriend! I mean, hindi ko siya girlfriend a-at sinipot niya ako 'no. Hehe!" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Dahil sa curiosity at confusion ay pinaalis ko si Ave sa harap ko para makichismis.

"Love, gilid ka nga muna, ang harang mo, eh," biro ko sa kaniya. Normal naman na 'to sa'min, huwag kayong mag-aalala. Nagbabarahan na kami niyan twenty-four seven at isa 'yan sa love language namin. 

"Sure, I'll find chicks mun-"

"AH, TALAGA BA, FONTANA?" Pinagtaasan ko si Ave ng kilay at akma pa siyang tatayo nang pinabalik ko siya sa pwesto niya. 

Ang kapal ng mukha niya namang maghanap ng chicks! Baka hindi ko siya matansya ngayon. The acidity Ave, ha!

Oo, poganda siya. Pero dapat sa'kin lang siya! Maganda naman ako at matalino. Bakit pa siya maghahanap ng iba, 'di ba?

Oo, binabackstab ko siya sa isip ko. Tsh!

"Relax, I was just kidding."

"Edi wow!"  

Tinawanan lang ako ng loko. Hindi ko na 'yon muna pinansin, resched ko na lang muna dahil mas priority ko ngayon ang chismis. Nahawaan nila ako sa pagiging marites, kaya panindigan nila 'to. 

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon