MHMIMP - CHAPTER 24

13.4K 390 148
                                    

CHAPTER 24: SECOND

Xyrianna Isabella's POV

"May we know kung sino po?" Tanong ni Ali at halatang excited na sa isasagot ni Ave.

"I'm sorry, Ali. But that is the question that I can't answer right now." Kalmadong sagot ni Ave. Tumango naman si Ali bilang pag sang-ayon.

"Naiintindihan ko po. Ang mahalaga po may crush ka na. Hahahaha! Swerte naman po ng lalaking 'yon, nagustuhan mo." Natawa naman si Ave dahil sa sinabi ni Ali.

"Hahahahahaha! It's not a man, it's a woman. Ayan, you have a clue na, last mo na 'yan." Pero ang sagot na 'yon ay mas naging kaintire-tiresado. Napakadaldal rin kasi nitong pandang 'to.

"Woah? Bading ka, ate Rox?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ali.

Obvious naman.

"I thought Xyri would be the last to be surprised by my sexuality, pero hindi pa pala. Pero sabagay, not everyone is focused solely on me naman. Many people are aware of my sexual orientation, especially on campus, but I still don't understand why some guys continue to pursue me. Maybe because they're trying to make me straight woman again. But nah, they can't do that."

"Nakakabilib naman po 'yong paninindigan niyo sa pagiging bading, ate Rox. Hahahaha!" At nagtawanan na naman 'yong dalawa. Nagkasundo agad, amp. Isang araw palang close na close na agad.  Ang bilis ni Ave makahatak ng kaibigan. Lahat siguro ng napupuntahan niyang lugar ay nagkakaroon siya ng kaibigan.

"Ate Rox, tara! May nakita po akong maganda! Reto po kita!" Biglang tawag ni Genesis na ikinatingin naming tatlo sa kaniya. Ito talagang batang 'to-

"No thanks, Gen!" Sigaw ni sagot ni Ave para marinig siya ni Genesis.

Pinilit pa siya ni Gen, pero ayaw niya talaga. Mukhang loyal na loyal sa crush ah.

Nag usap-usap pa si Ali at Rox tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa mapansin naming dumidilim na ang paligid kaya naisipan na naming umuwi na.

Ang ingay sa loob ng sasakyan. Paano kasi, ang daldal no'ng tatlong mga bata. Ay dalawa lang pala, 'yong isa kasi ay isip bata lang. Nasa passenger seat na kasi ako nakaupo ngayon dahil gusto daw tumabi ni Ali kela Genesis dahil namiss niya daw ang mga 'to. Isa kasi sa kalaro ni Ali no'n sila Genesis. Nakikipaglaro siya dito kapag minsan ay wala pa ako sa bahay.

. . .

Nagising ako dahil may sa nararamdamang tumatapik na daliri sa balikat ko.

"Xyri, wake up. Nandito na tayo." Rinig kong sabi niya sa'kin.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang pamilyar na mukha.

Si Ave.

Isang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Bakit ang lapit niya naman kasi? Nagising tuloy ako ng buong-buo dahil sa kanya.

"Let's go." Sa wakas ay lumayo na rin siya. Pagkaaya niya sa'kin ay lumabas na siya ng sasakyan. Tinignan ko ang likod at wala na pala 'yong ibang kasama namin.

"Nasa'n na sila?" Tanong ko.

"Inside. Maybe they're sleeping already." Sagot niya. Huh?

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon