CHAPTER 28: FRIENDS AT HOUSE
Xyrianna Isabella's POV
Magdadalawang linggo na rin ang nakalipas magmula no'ng mangyari iyon.
At sa kamalas-malasan ay isang linggo rin akong nagkasakit kaya hindi ako nakapasok ng university.
Sinabihan ko si Ali na iinform 'yong instructors namin na hindi ako makakapasok dahil nga nilalagnat ako.
Tapos ito namang si Ave, isang linggo ring absent nang dahil sa'kin. Sa loob ng isang linggo ay sinamahan niya lang ako at inalagaan. Ang strikta niya nga sa'kin, bilang na bilang niya talaga ang oras kung kailan ako dapat uminom ng gamot. Madalas rin ang pag check niya ng temperature sa'kin no'ng nagkasakit ako.
Thankful naman ako kasi sobrang laking help niya dahil gumaling ako agad.
Dahil nga mas matigas ang ulo niya sa may sakit, parehas kaming absent ng isang linggo.
Sana lang ay hindi kami pagdudahan ng mga kaklase ko, lalo na 'yong mga marites doon.
Papasok pa naman na ako mamaya.
Sana lang ay hindi ako mag breakdown. No'ng nagkasakit kasi ako ay napapadalas ang pagbrebreak down ko, pero inabot lang 'yon ng dalawang araw kasi nang malaman 'yon ni Ave ay hindi niya ako iniwan sa tabi. Aalis siya, pero babalik agad. Nililibang niya kasi ako.
"Xyri, are you done now?" Tanong ni Ave sa labas ng kwarto ko. Sabay kasi kaming papasok ngayon, At sinabi ko sa kaniya na magbibihis na lang ako then, aalis na kami.
"Wait, malapit na." Inayos ko lang saglit 'yong buhok ko bago ako lumabas.
"Pretty, ah." Pamumuri niya. Nasanay na akong sinasabihan niya ako ng ganyan, nalulunod na nga ako sa pagpupuri niya sa'kin. Kahit mukha akong sabog sinasabihan pa rin niya ako niyan. Hindi ko alam kung naka shabu or mary jane ba sya minsan or ano eh.
Nakakaramdam ako ng kilig minsan, syempre sino bang hindi kikiligin kapag sinasabihan ng maganda, 'di ba? Pero minsan hindi, kasi baka trip niya na naman ako. Alam niyo naman ang trip ng isang babaeng 'yan.
Mas malakas pa sa clown mag joke kapag nasa labas ng school.
Inaya niya na ako sa labas at sabay naming tinahak ang daan papunta ng university. Pero syempre, dahil para hindi kami paghinalaan ay nauna na akong lumabas ng sasakyan at mabilis na dinako 'yong room namin.
Si Ave naman ay hindi ko alam kung nasa office niya na ba dahil nga nauna na ako sa kaniya.
"Oh finally, pumasok ka na rin!" Bungad ni Aki sa'kin at malambing akong niyakap na tila ilang taon kaming hindi nagkita.
"Kumusta pakiramdam mo?" Dagdag niya. Pinaulanan niya ako ng tanong kaya ako naman itong si sagot. Pero may kalahating lie since may connect kay Ave 'yong mga tanong.
Sorry, lord.
"Uy, may chismis pala ako." Ang tagal kasi ng prof namin pumasok kaya ito na naman si Aki, lumalabas na naman ang pagiging marites niya.
"Ano 'yon?" Sagot naman ni Ali na halatang curious na. Isa pa 'to eh.
Pero natigil muna 'yon saglit nang pumasok si Lucas sa room.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...