MHMIMP - CHAPTER 48

12.6K 346 33
                                    

CHAPTER 48: MISSING YOU

Xyrianna Isabella's POV

Nandito ako ngayon sa bintana namin at nakapalumbaba, nakatingin sa labas habang nakikipag-usap sa mga kaibigan ko through Messenger. Umaga palang ngayon at kakatapos ko lang kumain ng umagahan. Wala kasi kaming pasok ngayon.

Akira
samahan ka ba namin diyan?

Akira
Xyrianna! wag seener, sagot!!

Aliscia 
Beshy!!

Huwag na. Okay lang naman ako dito.

Mag-isa lang kasi ako ngayon dito sa bahay at naghihintay ng update ni Ave. No'ng nakaraang araw kasi ay sapilitan si Ave na kinuha ng mga tauhan ng daddy niya, sinabi niya iyon sa'kin bago siya napilitang sumama. 

Aliscia
Sasamahan ka lang namin. Mag-isa ka lang diyan ih.

Akira
wdym mag isa siya, ali? kasama niya ang diyos!! 

Aliscia
Loko ka talaga!

Natawa naman ako sa nireply ni Aki. Pero hindi ko pa rin naiwasang mag overthink. Iniisip ko kung ano na 'yong ganap doon sa kanila. Mahigpit niya kasi akong pinaalalahanan na huwag akong gagawa ng kahit anong hakhang hangga't hindi niya ako binibigyan ng signal. Kaya ako heto, hindi na ako mapakali kakaisip. Mahirap na kasi, baka kapag nilabag ko siya, baka magulo lang at mas maging complicated.

[Flashback... 

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan nang biglang may sunod-sunod na kumatok sa pinto. 

Ako na ang nag insist na magbukas ng pinto since kumakain pa si Ave at favorite part niya na 'yong movie na pinapanood namin. 

Pagkabukas ko ng pinto ay sampung malalaking lalaki ang bumungad sa'kin. Pare-parehas silang nakasuot ng itim na polo at pare-parehas ng style ng buhok. Ang lilinis tignan. 

"Sino po sila?" kalmadong tanong ko.

"Miss, nandiyan ba si Rox Fontana?" tanong sa'kin no'ng nasa harapan. 

"Bakit po? anong kailangan niyo?" Casual na tanong ko. 

"Xyri? why naman ang tagal mon-butler Jay?" 

"Lady miss." Nang makita nila si Ave ay sabay-sabay silang nagbigay ng paggalang. 

Agad akong pinunta ni Ave sa likod at hinarap niya ang mga tao doon sa labas ng pinto. 

"What are you doing here?" kunot ang noong tanong ni Ave sa kanila. 

"Pinapatawag ka po ni boss chairman. Kailangan mo pong sumama sa'min."

"What if I don't want to?"

"Hindi kami aalis dito hangga't hindi ka kasama. At mapipilitan kaming kunin ka madala ka lang kay chairman," seryosong saad ng butler na kausap niya.

"Tsh, Dogs." 

Ako lang yata ang nakarinig nang sinabi niyang 'yon dahil wala pa ring reaksiyon ang mga kasama nila nang sabihin niya 'yon, at pabulong niya 'yong sinabi. 

"I'll just talk to her saglit," walang emosyon na sabi niya sa kanila at marahan akong hinila sa sala para kausapin. 

Sabay kaming umupo sa couch at kasabay no'n ang paghawak niya ng dalawang kamay ko.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon