CHAPTER 23: BIRTHDAY CELEBRATION
Xyrianna Isabella's POV
"Ate Rox saan ka po pala matutulog?"
"Oo nga po."
Ayan ang kaninang biglang pumasok sa isipan ko. Kung saan nga ba siya matutulog.
Hindi ko naisip no'ng nakaraang araw ang pagtulog niya. Paano, ang unang iniisip ko ang pagrarambulan nilang dalawa ni Paul at kung paano 'yon maiiwasan.
Pero nagtatabi naman kaming matulog 'di ba? Kaya wala na dapat sa'king kaso 'yon if magtabi kami matulog ngayong gabi. Kaso, iba na kasi ngayon. Parang natatakot na ako sa kaniya at sa mga nakakakilabot niyang mga pinagsasabi.
Ayaw ko mang maniwala, pero may part talaga sa'kin na seryoso siya sa mga sinasabi niya. Hindi sa pag a-assume pero minsan kasi parang seryoso na siya sa sinasabi niya pero dinadaan niya lang sa ibang paraan.
It's either a joke or a warning.
"To your ate's room." Tila hindi nagdadalawang isip na sagot ni Ave.
Luh?
"Why?" Tanong ni Ave bigla sa'kin. Nakita niya 'ata ang pagkunot ng noo ko dahil sa sagot niya.
"Kayo na lang ni Janesy ang magtabi, h-hindi ako sanay ng may katabi dito." Pagsisinungaling ko.
"Ay, oo nga po pala ate Rox. Ayaw po ni ate Xy ng may katabi matulog eh. Tabi na lang po siguro tayo." Sabi bigla ni Janesy. Alam kasi talaga nilang ayaw ko ng may katabing matulog diyan sa kwarto ko. Except sa kanila na pamilya ko.
"But nagtatabi naman tayong mag sleep sa bahay ah?" Aniya.
"Weh po?!" Parang 'di makapaniwalang tanong ni Janesy.
"Ate, Baka po naghahallucinate lang ikaw? Ayaw po niyan ng may katabing matulog eh." Sungit naman ni Genesis.
"Why don't you ask your ate? nakakatabi ko kaya siya matulog. We slept together ng ilang beses na." Paliwanag naman ni Ave. Pinaglalaban niyang nagtatabi nga kami.
"Ate, totoo ba?" Tanong sa'kin ni Janesy.
Hindi ako nakasagot agad.
"Silence means yes, ate. So, totoo nga?
"Emergency kasi 'yon, kaya no choice ako kundi tumabi sa kaniya." Paglilinaw ko na lang. May halong katotohanan din naman. Tabi naman kasi talaga kami matulog ni Paul kung hindi lang ako bantay sarado sa isang pandang 'to.
Hindi na natuloy ang usapang iyon nang bigla kaming tawagin ni mama dahil maghahapunan na. Naging maingay ang kainang 'yon dahil sa napakadaldal kong mga kapatid.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising para magluto. Pupunta kasi kami sa puntod ni dad kasabay ng pagcecelebrate ng birthday ko. Hindi ko pa pala nasasabihan si Paul tungkol sa maagang pag uwi ko. Sasabihan ko na lang siya pag pupunta na kami sa puntod ni dad.
"Xyri!!!" Tawag sa'kin ni Ave.
"Ano?" Sagot ko.
"Uhh, paano 'to gamitin? I don't know how to use this kasi. I never seen this kind of thing." Isa kasi siya sa nag volunteer na magluluto. Tapos mag iihaw siya ngayon, at hindi niya raw alam gamitin ang uling.
"Gumamit ka ng posporo."
"What is posporo?"
"Ito, oh." Bigay ko sa kanya ng posporo pero kinuha ko ulit. Tutulungan ko na lang siyang sindihan ang mga uling.
BINABASA MO ANG
MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)
Storie d'amoreShiniell University Series 2: MHMIMP As Xyrianna Isabella Alkaraz eagerly steps into her first college experience, the anticipation of new beginnings is palpable. Armed with a valuable full scholarship at Shiniell University Colleges, her education...