MHMIMP - CHAPTER 37

12.7K 416 54
                                    

CHAPTER 37: A SUITOR?

Xyrianna Isabella's POV

Umagang-umaga pa lang at nabw-bwiset na ako sa mga kasama ko dito sa bahay. Paano kasi, kakadilat pa lang ng mata ko, nakapalibot na agad sila sa kwarto ko at sabay-sabay pinaulanan ng iisang tanong.

"Sino 'yong manliligaw mo?"

Kahit na nasa hapag kami ay hindi nila ako tinatantanan. Hindi sila masaway ng parents ko kasi maging sila ay gusto rin ng kasagutan.

"Sabihin mo na kasi, Xy. Who's that lucky guy, huh?" Pangungulit na naman sa'kin ni Aki. Ayaw talagang tumigil?

"Hotdog," tanging sagot ko habang kinakalikot ang cellphone ko, nag s-scroll down lang sa Facebook.

"Kung ayaw mong sabihin. Pwes, huhulaan na lang namin." Sabi ni Ali.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Aki.

"Sige lang, kung saan kayo masaya." Walang pakialam kong tugon.

Bini-bwiset niyo 'ko, ha. Manigas kayo ngayon kakaisip.

At tiyaka wala naman talaga akong manliligaw-

'yong kay Ave, hindi pa naman ako pumapayag, eh!

Kaya, wala. Hindi counted 'yon.

Hindi ko alam kung bakit bigla silang nanahimik. Kaya napatigil ako sa paggamit ng cellphone at palihim na tumingin sa kanila.

Gano'n na lang ang pagtataka ko nang makitang nakatingin na 'tong dalawang 'to kay Lucas.

"Oh, bakit kayo nakatingin sa'kin?" Inosenteng tanong niya.

"Lucas, umamin ka na." Tila nananakot na salita ni Aki.

"Oo nga, ikaw 'yon 'no?" Sabi naman ni Ali.

Umamin saan?

"Huh? A-Anong aaminin?" Kahit siya ay naguguluhan na rin sa sinasabi ni Aki.

"Na ikaw 'yong manliligaw ni Xyrianna Isabella!" Medyo may kalakasang sagot ni Aki.

"True! facts! real! Kaya ka pala nandito, ha? Pumuporma ka na sa kaibigan natin! Tapang 'yarn?"

"Huh? Pinagsasabi niyo?" Naguguluhan kong tanong. Nakahithit na naman siguro ang mga 'to ng ipinagbabawal na gamot.

"Aminin mo na kasi, Lucas. Ikaw 'yong manliligaw niya 'no?" Giit ni Aki.

"Mga siraulo, ni muntik na nga kaming mag friendship over dahil sa pagpilit ko sa kaniyang liligawan ko siya, tapos sasabihin mong nililigawan ko na siya? May saltik ba kayo, haaaa?"

"Malay ba namin. Pwede namang magbago ang ihip ng hangin. Malay mo, pwede ka na pa lang manligaw?"

"Oo nga. Ayieee!"

Kanina lang ay pinagdududahan nila 'tong isa. Ngayon naman ay kinakantyawan na. Iba talaga ang trip nitong mga kaibigan ko. Akala ko pa naman matitino mga 'to kasi first day of school matitino sila eh. Nasa loob pala ang mga kulo.

Hay nako.

Actually inabot na sila ng ilang oras kakaisip kung sino ba 'yon. Hindi ko pa rin sila sinasagot until now. Nakaka-enjoy rin palang panoorin 'tong mga kaibigan kong akala mo nagsasagot ng exam kung makapag-isip. Ang lalalim ng iniisip eh.

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon